CHA’s POV
May out of town daw, iyon lang ang sab isa akin ng magkakapatid. Walang nagsabi na para sa continuation ng birthday ko ito. Sobrang bless lang dahil talagang pamilya na ang turing nila sa akin. Wala akong masasabi sa ugali ng mga Perez. Kung ano ang mga puno siya ring mga bunga.
Nandito na kami ngayon sa Pangasinan. May beach at may pool. Kami lang ang tao. Pina-reserve ni Tita Bea ang place. Madilim na kaming nakarating. May mga dala ng lutuin tulad ng barbeque at mga ihawing chicken at isda. Nakalagay ang mga ito sa malaking cooler. Pang ngayon siya gagamitin dahil bukas ng umaga ay mga fresh daw ang bibilhin.
“Nagustuhan mo ba ang place, Cha?” narinig ko si Tita Bea na nasa likuran ko na habang tinatanaw ko ang dagat.
Nilingon ko ito, “thank you po, tita. Ang ganda po ng lugar,” nakangiti kong sambit dito.
“Masaya ako na pinagbihyan mong muli ang aming anak na makapasok sa iyong puso. Kahit hindi kayo ni Tor ay naka-book na ito noong nakaraang buwan pa. Dahil masipag kang bata, gusto naman namin na ma-relax ka. Enjoy-in lang ninyo ni Tor. Hindi na namin kayo kailangan bantayan at paalalahanan dahil alam naman namin na mga responsible kayo. Naalala ko tuloy noong kabataan ko, ganyan din ang Tito Hector mo. Masyadong protective. Mas mabuti pa ang anak ko hindi torpe. Walang pag-aalinlangan. Pero kaming mag-asawa, grabe ang pakiramdaman pa namin noon. Sabagay, ganoon naman talaga. May kanya-kanyang kwento ang ating buhay lalo na ang buhay pag-ibig natin. Basta nandito lang kami. At kapag may ginawang kalokohan ang anak namin, sabihin mo lang sa amin at hindi namin siya kakampihan,” mahabang turan ni Tita Bea sa akin.
“Tita, kahit ano naman pong tago ko sa nararamdaman ko ay hindi ko maikakaila na mahal ko pa rin po si Tor. Mahirap lokohin ang sarili. Kaya po iyon ang pa-birthday ko po sa aking sarili. Masaya po ako ngayon. Masaya po ang aking puso.” Hinawakan ako ni Tita Bea.
“Ang saya rin ng anak namin. Hindi maikakaila na ikaw ang dahilan. Kapag nakikita ka niya, nagniningning ang mga mata niya. Parang Daddy lang din niya,” nakangiti pang wika ni Tita Bea.
“Dad, parang tayo yata ang pinag-uusapan dito,” nasa likod na pala sina Tito Hector at Tor. Sumunod din sila sa amin.
“Ang lakas naman ng pandinig ninyong mag-ama. Usapang babae ito,” sambit ni tita Bea. Lumapit na si Tito Hector at nagbitiw na kami nito. Parehas naman kaming inakbayan ng dalawang dumating.
“Sandali, akala ko ay ikaw ang mag-iihaw?” baling ni Tita Bea kay Tor.
“Kinuha po ni Kuya Domeng. Siya na lang daw po. Mag-bonding daw po sila ni Ate Yolly,” magalang na sagot ni Tor kay Tita. “Maglalakad-lakad lang po muna kami ni Cha sa may dalampassigan,” paalam nito kanila Tito at Tita. Pinayagan naman kaming dalawa.
Tanging ang liwanag ng buwan na lang ang tanglaw namin sa pagbaybay sa dalampasigan. Naglakad-lakad kaming dalawa ni Tor. Low tide ngayon. Tahimik ang dagat. Naupo kaming dalawa sa buhangin. Magpapalit pa kami ng mga damit mamaya kaya okay lang na maupo kami rito.
Inakbayang muli ako ni Tor habang nakamasid lang kami sa dagat.
“Di ba pangarap mong tumira sa may malapit sa tabing dagat?” hindi pa pala niya nakakalimutan iyon. Dahil gusto ko ang tunog ng alon ng dagat kahit noon pa. Iyon din ang nais nila Mama at Papa. Yung pagtanda nila nakaupo sila sa labas ng kubo habang tinatanaw ang karagatan. Kaya madalas kaming nasa may tabing dagat noon kapag wala ring trabaho si Papa. Mabuti at hindi ako kagatin ng araw.
“Natatandaan mo pa? Pero mukhang malabo na.” sagot ko sa kanya.
“Bakit naman? Dahil wala na ang mga magulang mo? Nandito naman ako. Magtatrabaho akong mabuti para maibigay ko sa iyo ang pangarap mong bahay na nasa may tabing dagat. Doon tayo bubuo ng pamilya. Isang masayang pamilya,” kinabig pa ni Tor ang aking ulo para dalhin sa kanyang dibdib. Dinig ko ang malakas na pagtibok nito.
“Kahit hind isa may tabing dagat. Kahit simpleng bahay lang basta kasama kita, masaya na ako n’on. Yung nasa tabi kita ay sapat na sa akin. Wala na akong mahihiling pa kundi ang maging masaya at maayos ang pamilya na ating bubuuin pagdating ng panahon.”
“Cha,” anas nito. Hinawakan niya ang ibabang bahagi ng aking baba at ini-angat nito paharap sa kanya. Biglang bumilis ang pagtibok ng aking dibdib. Nakatingala na ako sa kanya ngayon. Magkahinang ang aming mga mata.
“Tor,” sambit ko rin sa pangalan niya. Unti-unting bumaba ang mukha nito sa akin. Hindi ako kumikilos. Ilang beses pa akong napalunok. Napapikit na lamang ako ng dumampi ang mga labi nito sa akin. Matagal na magkalapat ang mga labi namin. Walang kumikilos. Tikom ang bibig ko pero ramdam ko ang malambot niyang mga lab isa akin. Pakiramdam ko ay umiikot ang aking paligid.
May narinig akong nagkukwentuhan papalakas nang papalakas kaya itinulak ko na si Tor para maghiwalay ang aming mga labi. Sakto magkalayo na ang mga mukha namin ng mapagtanto namin na sina Cassie at Callie ang paparating.
“Low tide pala, ate,” sambit ni Callie. Hindi pa kami napapansin ng mga ito. Sinabihan din ako ni Tor na huwag ng tawagin yung dalawa.
“Tara na, bumalik na tayo roon. Sa pool na lang tayo mag-swimming. Nasaan na kaya sina Kuya at Cha?” hinahanap na kami ni Cassie.
“Baka nasa loob naman ng bahay. Tara puntahan natin. Yayain natin silang maglaro sa pool.” Ani Callie.
Tiningnan pa namin ang dalawa habang papalayo. Muntikan na kaming mahuli ni Tor. Pakiramdam ko ay namumula pa rin ang pisngi ko. Hindi ko napaghandaan iyon.
“Cha, I love you,” muli nitong sambit at ngayon ay hinawakan na nito ang aking mga pisngi at muling inilapat ang kanyang mga labi. Hindi naman ako tumanggi. Nakakahiya man ay nagustuhan ko ang paghalik niya.
“Balik na rin tayo sa may bahay,” akmang tatayo na ako ng piitin ako nito.
“Galit ka ba?” tanong pa niya sa akin.
“Bakit naman ako magagalit? Hindi naman ako tumutol sa ginawa mo. Mahal kita, Tor. Tara na, baka magtaka na ang dalawa kapag hindi tayo mahanap.”
“One last kiss, Cha,” hirit pa nito. Nakatayo na kaming dalawa at magkaharap. Muli ko siyang pinagbigyan at pagkatapos ay nagyakap kami nito bago namin tinahak ang daan pabalik sa bahay. Magkahawak-kamay kaming dalawa. Masaya na siya dahil nagawa na niya ang nais niyang kiss.