TOR’s POV
Papunta ngayon ang buong pamilya namin sa Pangasinan. Dahil mahilig si Cha sa tubig kaya ito ang naisipan ni Mommy. Hindi pa kami ni Cha ng planuhin niya ito.
Sakay kami ng aming van para iisang sasakyan lang kaming lahat. Si Ate Yolly ang nasa tabi ni Kuya Domeng.
Si Mommy at Daddy sa likod ng driver’s seat, si Callie at Cassie sa sumunod at kami ni Cha sa likod. Wala naman umangal sa seating arrangement namin. Dito sa likod ay masosolo ko ang aking girlfriend.
First time ko na magbabyahe nang malayo habang nasa tabi ko ang aking mahal. Sa una ay magkahawak-kamay lang kami nito. Pero alam ko na puyat ito dahil late na kami natulog at maaga siyang gumising para gawin naka-schedule niyang paglalaba.
“Hon, matulog ka muna. Mahaba pa ang tatakbuhin ng sasakyan,” anas ko rito.
“Ikaw, hindi ka ba ina-antok? Baka mangalay ka?” kinabig ko ang kanyang ulo para ihilig ko sa aking dibdib habang ini-adjust ko ang aming upuan. Pina-higa ko ito ng kaunti para mas komportable ang aming pwesto. Ganoon din naman ginawa nila. Pagod din sa byahe sina Mommy at Daddy dahil galing pa sila ng Quezon. Si Daddy raw ang nag-drive papuntang Manila kaya pagod ito. Hindi rin kakayanin ni Kuya Domeng kung siya ang mag-da-drive ng straight. Ganoon makisama si Dad sa mga tauhan namin. Hindi niya ipinaparamdam na boss siya. Marunong siyang makiramdam. Inilalalgay rin niya ang sarili niya sa sitwasyon ng iba kapag gumagawa siya ng mga desisyon. Kailangan makatarungan ang mga dahilan kapag may pagbabago. Kaya nga idol na idol ko si Daddy.
Antok nga ang honey ko at malalim na ang paghinga nito. Talagang antok na antok siya. Nakonsensya tuloy ako dahil sa kakulitan ko kaya napuyat ito. Inalis ko ang ilang hibla ng buhok nito na tumatabing sa maganda niyang mukha. Hindi nakakasawang pagmasdan ang magandang mukha ni Cha. Mapanukso ang mga labi nito na bahagyang nakabuka. Pwede ko siyang halikan ngayon dahil libreng libre. Hindi rin nila kami makikita dahil tulad ni Cha ay tulog din sila. Ako, si Ate Yolly at Kuya Domeng ang gising. Naririnig ko na nag-uusap pa ang dalawa pero mahina lang naman dahil alam nil ana tulog ang mga nasa likuran nila. Makikita naman sa rear view mirror. Si Dad ang malakas na humihilik dahil napagod ito kanina sa pag-da-drive. Ipinikit ko na rin ang aking mata. Kung makakatulog ako ay okay lang para may energy pa kami mamaya. Sigurado na hapon o gabi na ang dating namin sa Pangasinan.
Nakatulog pala ako. Nagisinga ko ng maramdaman kong bumangon si Cha mula sa aking bisig.
“Sino ang gagamit sa inyo ng rest room? Malayo pa ang tatakbuhin natin,” tanong ni Mommy.
Bumangon din ako at inayos ko ang buhok ni Cha na bahagyang nagulo.
“Mag-rest room ka ba hon?” ulit kong tanong dito.
“Oo sana. Ikaw ba?” syempre kung bababa siya ay sasamahan ko siya. Naiihi na rin ako kaya kailangan ko rin. Nauna na silang magsibaba. Bibili rin sina Mommy ng food kaya okay lang na mauna na sila. Susunod na lang kaming dalawa ni Cha.
Ang sarap ng feeling na naglalakad kami nito habang magka-akbay kaming dalawa. Hindi namin namamalayan ay may kumukuha na pala ng picture.
“Humarap naman kayong dalawa,” sigaw nito.
Humarap nga kami ni Cha na magkasalubong ang aming mga mukha.
“Perfect! Ang ganda ng shot,” masayang sambit ni Callie. Ito ang hilig niya ang kumuha ng pictures. Nagmadali pa itong pumunta sa aming harapan. Inunahan niya kami sa paglalakad at muli na naman niya kaming kinuhaan ng pictures.
“Ang ganda talaga! Sobrang sweet kahit walang ka-effort effort,’ sambit pa nito habang tinitingnan nil ani Cassie ang mga pictures. Nag-agree naman ang isa sa sinabi ng bunso namin.
Masaya talaga ako at hindi yata iyon maitatago mula sa aking mga ngiti pati na rin sa aking mga mata. Basta nasa tabi ko si Cha, parang ang gaan at ang saya ng lahat. Ganoon ang pakiramdam ko.
Naghiwalay kami nito pagdating namin sa restroom. Kasama naman niya ang mga kapatid ko kaya wala akong dapat ipag-alala sa kanya. Sandali lang naman kaming maghihiwalay.
Sumunod kami kanila Mommy para tulungan silang mag-bitbit ng mga pinamili. Pero hindi na ako nito pinatulong.
“Kaya na namin ito, anak. Si Cha na lang ang asikasuhin mo,” biro pa ni Mommy. Kahit nga may dala sila ay nagawa pa rin ni Daddy na akbayan si Mommy. Sina Ate Yolly at Kuya Domeng naman ang nag-bitbit ng iba. Kung hindi naka-akbay si Daddy ay nakahawak sa kamay ni Mommy. Kapag naman magkakaharap kami ay madalas nakayapos ito. Lumaki kami na ganito ang nakikita namin sa parents namin. Kaya hindi nakakapagtaka na ganito rin ako.
Malaki na kami ni Cha. Hindi na kami teenager. Adult na kaming dalawa. Nag-aaral pa nga lang kami. Pero plano ko na yayain siya agad ng kasal pagka-graduate naming dalawa. Iyon naman ang plano namin noong bata pa kami. Magpapakasal kami kapag nakatapos na kami ng kolehiyo. At gusto kong tuparin iyon ngayon na nabigyan ako ng pangalawang pagkakataon na ipagpatuloy ang aming nararamdaman para sa isa’t isa.
Sa byahe na kami nag-meryenda. Nagkakabiruan dahil busy si Kuya Domeng sa pag-da-drive.
“Ate Yolly, subuan mo naman si Kuya Domeng. Alangan naman na ikaw lang po ang kumakain. Kawawa naman si Kuya,” kantyaw ni Cassie. Itinutukso nila si Kuya Domeng kay Ate Yolly dahil byudo na si Kuya. Si Ate Yolly naman ay single pa rin. Talagang kami na ang naging pamilya niya. Nagtatawanan lang sila dahil busy rin kami ng honey ko.
Sinusubuan ako nito. Nag-share muna kami sa isang burger. Pinunasan pa niya ang bibig ko ng may ketchup na napunta sa gilid ng aking mga labi.
“I love you,” mahina kong sambit. Siya namang tahimik nilang lahat. Kay kahit alam ko na mahina ang pagsasabi ko ay narinig nilang lahat.
“Guys, quiet may nag-mo-moment dito. Nasobrahan na sa sobrang sweet. Kawawa naman kaming mga single,” sambit ni Cassie mahina pero rinig naman namin.
“Cassie, mind your own business. Hayaan mo sila. Tor, baka naman madaig mo pa ang Daddy mo sa sobrang ka-sweet-an,” natatawang wika ni Mommy.
“Hindi naman masamang magsabi ng I love you. Ako nga maya’t maya para hindi moa ko ipagpalit,” biro rin ni Daddy. “Sige lang anak, lunurin mo sa pagmamahal si Cha,” wika rin ni Daddy.
Nagtawanan na lamang kaming lahat. Namumula na ang mukha ni Cha sa kantyawan ng pamilya ko. Sanay na naman siya dahil madalas naman niyang masaksihan ang mga ganito. Kaibahan lang ay kami na ngayon. Kaya kasama na kami sa inaasar nila.
Ipinagpatuloy na lang namin ang pagkain. Mamaya naman ay makakarating na rin kami sa resort kung saan mag-stay kami ngayong gabi hanggang bukas ng tanghali. Matagal pa kaming magkasama nito.