5

1215 Words
CHA’s POV Weekend pero kailangan bumangon ng maaga para sa mga labahin. Akin lang naman na mga damit ito at ilan lang din itong lalabhan ko dahil nakapaglaba naman ako ng Wednesday. Maagan gang dumating si Tor pero okay na rin ako. Tapos na akong maglaba at nagsabi ito kagabi na tutulungan pa niya ako. Kaya ng tawagan ko siya ay nagsabi na ako na nakapaglaba na ako para hindi na rin ito magpaalam pa sa landlady ko na papasok siya sa kwarto ko. Makulit din kasi ang boyfriend ko kaya kailangan uunahan mo na siya. May isa pa siyang ikinukulit ang kiss na sinasabi niya. Pinaki-usapan ko ang isa kanila Callie at Cassie na sumama sa pagsundo sa akin. Mahirap na baka hindi ako tigilan ni Tor hangga’t hindi niya nakukuha ang nais niya. Pumayag naman si Callie na siya ang sasama kay Tor. Siya na lang din ang mag-isip nang palusot para pasamahin siya. Dumating si Tor sa boarding house. Agad niyang kinuha ang gamit ko. Madami dami ang dala ko dahil mag-beach daw kami sabi nung dalawa kagabi. Hindi ko lang alam kung saan pero pa – north daw kami para maiba naman. “Nasaan si Callie?” tanong ko pa dito. “Nasa may kotse. Hindi ko na pinababa. Sabi may bibilhin daw siya pagdating dito hindi na raw siya bibili. Pakiramdam ko ay may pinag-usapan kayo o ikaw ang nagpasama sa kanya. Hon?” hindi ko siya tinitingnan. “Hon, ikaw nagpasama kay Callie ‘no?” natawa na ako sa pag-ulit niya ng tanong. “Gusto ko lang naman may kasama ka sa byahe mo papunta rito. Tara na! Baka mainip pa si Callie,” yaya ko na sa kanya. Nauna na akong lumabas dito pero agad din niya akong hinabol at inakbayan ako nito. Hindi naman ako umangal. Akbay lang naman saka mag-boyfriend naman kami kaya hindi na masama na may makakita sa amin. “Hon, mahal moa ko di ba?” bulong nito sa akin. “Oo, naman. Bakit mo naitanong?” “Bakit kailangan pang kasama si Callie? Ngayon lang nga kita masosolo sana eh.” Alam ko naman ito ang gusto niya pero kasi kinakabahan ako at hindi ko sa kanya masabi. Hindi ko pa kasi nararanasan ang i-kiss sa lips kaya medyo alanganin pa ako. Iyon talaga ang dahilan ko kaya pinasama ko si Callie. At least hindi namin pwedeng gawin iyon kapag may kasama kami sa sasakyan. “Madaming araw pa tayo na magkakasama, hon. Nag-uumpisa pa lang naman tayo di ba? Baka mamaya nga magsawa ka na kasi lagi mo na lang ako nakikita,” tiningala ko pa ito para makita ko kung nakikinig ba siya. “Never akong magsasawa lalo na ngayon na tayo na. Girlfriend na kita. Hindi naman tayo tulad ng dati,” ani Tor. Ito nga ang mas nakakakaba dahil kami na. Noon may ilangan pa dahil hindi pa kami. Iniyakap ko na lang ang braso ko sa bewang niya para tumigil na ito sa pagtatampo. Dadating naman kami sa oras na iyon. Kinakabahana ko kung may oras at kung kailan siya gagawin. Bago pa nito buksan ang pinto ng kotse para pasakayin ako ay may sinabi pa ako rito. Nag-aalala kasi ako na magtampo siya ng sobra sa akin. “I love you, hon. Nagtatampo ka pa?” “Hindi na. I love you too! Pasok ka na sa loob baka hindi ko mapigilan ang sarili ko dito kita halikan para may mga witness.” Pananakot lang niya iyon pero nagbibiro lang naman siya. Tumawa na lang ako sa sinabi nito. Pumasok na ako sa loob at baka si Callie naman ang magtanong kung bakit ang tagal namin ng kuya niya. “Akala ko magkukwentuhan pa kayong dalawa sa labas e. Sana hindi na lang ako sumama. Joke lang!” at tumawa na ito. “Paano kaya kapag ako ang may boyfriend na? Ano bang feeling guys?” Tanong pa ni Callie. Tumingin lang ako kay Tor. Hindi ko alam kung ako ba ang dapat sumagot sa tanong ni Callie. Nahihiya kasi ako. “Ikaw, hon, ikaw nga sumagot sa tanong ni Callie,” saad ni Tor. “Ako talaga ang sasagot? Ano ang pakiramdam ko na may boyfriend na ako? Masaya. Maligaya dahil alam ko na mahal ako ng boyfriend ko. Excited akong gumising para makita siya. Gan’on ang pakiramdam ko. Hindi ko alam kung ano ang sagot ng iba. Syempre magkaka-iba naman ng experiences ang bawat isa. Ang kailangan lang kapag pumasok sa isang relasyon ay yung mahal ninyo ang isa’t isa para mag-work.” “Ikaw ba iyan, ate Cha? Baka naman maihi yung isa d’yan sa kilig. Nakakakilig naman kayong dalawa. Kahit kapatid ko si Kuya Tor, alam namin kung gaano ka niya kamahal. Sana ganyan din kami ni Ate Cassie. Makita namin ang great love namin. Sige na mag-usap na kayo. Agaw atensyon na ako. Isipin na lang ninyo na wala ako rito. Hindi rin naman makakalabas ang usapan ninyong dalawa. Magsusuot na ako ng earpods,” paalam pa ni Callie. Kung anu-ano lang naman ang pinag-uusapan namin ni Tor. Nag-da-drive ito kaya ayaw kong kausapin. Okay nan ga kaming dalawa ni Callie ang magka-usap. Tahimik lang akong nakatingin sa labas ng bintana. Tumigil ang sasakyan dahil may stop lights. Inabot ni Tor ang isa kong kamay kaya napatingin ako rito. Hinayaan ko naman na kunin niya at nginitian ko pa ito. Nasasanay na akong pinaglalaruan niya ang aking kamay. Nagulat ako pagdating namin sa bahay nila ay nandoon sina Tita Bea at Tito Hector. Pumasok kami sa bahay nila na magka-akbay. Clingy si Tor. Mahilig siya sa physical touch. Ito siguro ang love language niya. Parang ang Daddy niya laging nakadikit kay Tita Bea. Sinalubong kami ni Tita Bea at Tito Hector. “Happy birthday, Cha!” Nakabuka pa ang mga braso nito. Binitawan naman ako ni Tor at hinayaan akong yakapin ni Tita. “Parang mayroon kaming hindi alam? Hmmm,” sambit ni Tita Bea. Nag-bless naman ako kay Tito Hector. “Happy birthday, Cha!” bati rin nito sa akin. “Thank you po tito and tita,” sambit ko sa kanilang dalawa. Hindi pa namin sinasagot ang sinabi ni Tita Bea. “Mom, Dad, we would like to inform you na kami na po ni Cha. Girlfriend ko na po si Cha,” masayang wika ni Tor at muli na naman itong naka-akbay. “Obvious naman anak. Ibang-iba ang smile mo at the way you touch her ay may iba na ngang namamagitan sa inyo aside from friendship,” si Tita ang sumagot at naka-ngiti ito. Umakbay na rin si Tito Hector kay Tita Bea. “Masaya kami para sa inyong dalawa. Kapag may problema kayo, kailangan ay pag-uusapan at huwag babalewalain. Maliit man iyan o malaki.” Ani Tito Hector. “Kumain na muna tayo at pagkatapos natin mag-ayos ay aalis din tayo agad. Pa-birthday namin ito sa iyo, Cha. Mag-outing tayo. Nagpa-book na kami sa may Pangasinan. Kain na tayo!” ani Tita Bea at sumunod na kami sa kanila ni Tor. Naka-akbay pa rin ito. Pasimple ako nitong hinalikan sa aking noo. “Love ka nila Mommy pero mas love kita. I love you, hon!” napailing na lang ako sa ka-sweet-an ng boyfriend ko.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD