4

1337 Words
TOR’s POV Nakauwi na ako ay hindi ko pa rin nakuha ang aking kiss. Hindi naman kasi pwedeng sa school namin gawin iyon. Umaasa ako na pagdating namin sa boarding house niya ako makaka-isa pero hindi rin nangyari dahil nandoon ang kanyang landlady. Umuwi ako ng malungkot. At ngayon na nandito na ako sa bahay ay tumatawag ang aking honey. “Yes, hon!” kahit hindi ako naka-kiss ay okay naman ako. Mahalaga ay ayos kaming dalawa. “Sorry, hon. Galit ka ba? Nandoon kasi si Madam. Bawi na lang tayo next time,” wala na naman talagang choice kundi ang maghintay ng next time. “It’s okay lang, hon. Pero habang nade-delay ay asahan mong nagkakaroon ng interest iyon,” panloloko ko naman sa kanya. “Sure ka na isang beses lang iyon? Baka naman lagi ka nalang maningil ng interest?” biro naman niya sa akin. “Oo naman. Hindi lang ‘yon isang beses. Kung pwede lang maraming beses.” “Sige na, magpahinga na tayo. Kailangan ko pang gumising ng maaga. Inalam ko lang kung nasa bahay na ninyo ikaw. Good night, hon. I love you.” “Gusto pa kitang kausap. Hindi pa ako matutulog. Maaga pa pati. Wala pa ngang eight o’clock.” Apela ko sa kanya. Tingin ko hindi pa rin siya makakatulog agad. “Tatawag pa sina Cassie at Callie. Mag-uusap pa kaming tatlo. Bukas na lang tayo mag-usap.” Hindi pwede ito bakit sila ang mag-uusap? Ako ang boyfriend niya. “Magkikita rin naman kayong tatlo bukas? Sila gusto mong kausap tapos sa akin magba-bye ka na? Hon, ang unfair mo.” lambing ko sa kanya. “Punta ka na lang sa room nila para sumali ka sa usapan namin. Ganoon naman ginagawa mo dati, di ba? Akala mo hindi ko alam na ikaw kumukuha ng phone ni Callie kaya nawawala siya. E di ngayon gawin mo uli. Baka magtampo na yung dalawa.” “Eh ako, sa tingin mo hindi magtatampo?” tanong kong muli sa kanya. “Hindi, kasi boyfriend kita at maiintindihan mo naman ako. Di ba mahal mo ako? Kaya hindi ka magagalit,” alam niya talaga ang kiliti ko. “Sige na nga, ibaba mo na pupunta na lang ako sa kwarto nung dalawa. Gusto pa kitang marinig. Mag-shower lang muna ako saka ako pupunta roon. Bye na, hon. I love you always.” Sambit ko pa sa kanya bago niya putulin ang tawag. Nagmadali na akong pumasok ng bathroom. Kapag ang mga kapatid ko ang kausap niya sa video call sila samantalang kaming dalawa ay voice call lang. Kaya dapat gwapo na ako para kapag nakita niya ako ma-inlove siya sa akin. = = = = = = = = = = = = = = = CHA’s POV Lagi naman kaming ganito nina Cassie at Callie. May online chismisan kami. May lovelife kasi ang magkapatid pero magulo pa kaya hindi ko maintindihan. Hindi naman namin mapag-usapan kapag tanghalian dahil magkasabay kami ni Tor. Tinawagan ko lang ang boyfriend ko para alamin kung nakauwi na siya. Medyo napatagal pa sa kakulitan niya. Paano pala kung iba pa ang kakausapin ko? Baka hindi niya ako payagan. Alam ko naman na siya ang nakikinig kapag nawawala si Callie. Enjoy naman ako dahil alam ko kaya siya nakikinig kasi interesado siya sa akin. Ngayon, kami na uling dalawa. Lahat ng kalungkutan at sakit na nangyari noong bata pa kami ay nabura ng nararamdaman kong kaligayahan ngayon. Mas masaya at mas lalong nahulog ako sa kanya ngayong pangalawang pagkakataon. Kausap ko na ang dalawa nang biglang may lumitaw na mukha sa tabi ni Cassie. “Hi hon!” singit nito. Natawa naman kami sa ginawa nito. “Kuya, pwede ba girls talk ito kaya lumayo ka na muna. Hindi na namin nasolo si Cha. For sure, bukas ikaw na naman ang didikit sa kanya kaya please leave us alone,” may pairap pang sambit ni Callie rito. Hindi naman inaalis ng aking boyfriend ang kanyang paningin sa screen nakatingin lang ito sa akin. “Hon, pinapaalis ako ni Callie. Ayaw niya na makita kita. Ipinagdadamot ka nila sa akin. Bakit sa kanila nagpapakita ka? Sa akin ayaw mo? Kapag umalis ako rito, ibaba mo tawag mo tapos tayong tayong dalawa ang mag-usap. Ayaw ka nilang i-share sa akin.” Parang bata itong nagsusumbong kahit naririnig ko naman. “Hon, kasi nga time naming tatlo ito. Kaya huwag ka na makisali muna. May pinag-uusapan lang kami. Sige na. Kapag may time pa mamaya, tatawagan kita.” “At kapag wala? Hindi mo na ako tatawagan? Ganoon po ba iyon? Ang daya naman,” kakamot -kamot pa ito ng kanyang ulo. “Kuya naman, nababawasan ang oras namin. Mamaya magsisitulog na kami. Kung ganyan ka pala kakulit sana hindi ka na namin inilakad kay Cha,” naiinis na wika ni Callie. Kaya ako na naman ang nangumbinsi rito. “Hon, promise tatawagan kita mamaya. Pagkatapos namin, tayo naman ang mag-video call. May importante lang talaga kaming pinag-uusapang tatlo.” Pangungumbinsi ko kay Tor. “Okay, aalis na ako. Hindi ako matutulog hangga’t hindi mo ako tinatawagan at gusto ko video call din.” Tumayo na ito at hindi na nagpaalam pa sa dalawang kapatid. Talagang may request pa siya. Importante kasi may sinasabi si Callie na manliligaw niya. Ayaw rin nila pa itong sabihin kay Tor. Kaya hindi nila ipinaparinig. Tumayo pa si Callie para isara ang pinto. At nang hindi na makapasok pa ang kanilang kuya Tor. “Kulit ng boyfriend mo! Parang kulang pa ang maghapon sa kanya na makita ka,” ano Callie. “Tuloy na natin ang kwentuhan,” saad naman ni Cassie. May higit isang oras pa ang itinagal ng aming usapan. At kahit antok na ako, kailangan kong tawagan ang aking boyfriend dahil nakapangako na ako rito. Alam ko na maghihintay iyon. Isang ring pa lang ay sinagot na nga nito ang tawag ko. Lumitaw agad ang mukha nito sa screen ko. “Hindi ka pa natulog? Mukha namang antok na antok ka na.” Tudyo ko rito. “Sinong ina-antok?” tanong nito sabay hikab. Natawa naman ako sa kanya. Pinilit niyang hindi matulog para hintayin ang tawag ko. “Ano bang pinag-uusapan ninyo kanina at ang sungit nung dalawa?” “Secret po, usapang babae po iyon. Kung iyon lang po ang itatanong mo ay mas magandang matulog na lang po tayo.” “Natanong ko lang naman. Ikaw talaga ang gusto kong makita at makausap. Kung pwede lang na nakabukas ang messenger natin habang natutulog ay gagawin ko. Ikaw ba willing na gawin iyon?” “Oo kaya lang ay hindi pwede dahil baka pumutok ang phone ko. Mamaya magkaroon pa ng sunog dito. Kaya huwag na tayong magbukas ng video sa pagtulog,” ako naman ang humikab na. “Inaantok ka na hon,” “Oo kanina pa, hon. Kaya lang ay kailangan kong gawin ang promise ko sa iyo kaya tinawagan kita. Hindi pa ba tayo pwedeng matulog?” “Sige matulog na tayo. Bukas maaga pa lang pupunta na ako dyan. Tutulungan kitang maglaba. Kakausapin ko si Madam para payagan akong pumasok.” Imposible naman ang sinasabi nito kaya hinayaan ko na lang. Hindi ko na kinontra dahil antok na antok na ako. “Okay hon. Good night and I love you,” nauna na ako. “I love you too, hon. Sana magkita tayo sa panaginip,” wika naman nito. Kumaway pa ako at ngayon ako naman ang nag-flying kiss sa kanya para sumaya naman siya. Hindi nga ako nagkamali at humalik pa siya sa screen. Ini-end ko na ang video call namin. Kung hindi ko pa gagawin iyon ay baka tumagal pa. Ang kulit niya pero ang sweet. Hinatian ko kanina si Joy ng sandwich na binigay ni Tor pero hindi naman tinanggap at baka may gayuma raw na nakalagay roon para sa akin. Kaya ngayong gabi ay hindi na ako nag-dinner dahil sa sandwich na bigay sa akin ng boyfriend kong super sweet.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD