TOR’s POV
Mamaya raw ibibigay ang kiss ko. Gumana ang pabebe ko sa kanya pero totoo naman na kailangan ko rin yung book. Gusto ko lang din na masolo siya kahit sandali.
Ngayon na binata ako at dalaga na siya, pwede na naman siguro kaming mag-level up. Noon, holding hands lang kami. Ngayon, pwede na ang yakap.
Unan pa nga lang masarap nang kayakap, mas lalo na siguro kung si Cha ang yayakapin ko.
Excited akong makasama siya. Bukas ay pupunta siya sa bahay. May schedule sila ng mga kapatid ko. Darating din sila Mommy at Daddy. May pa-surprise rin sila para kay Cha. Secret kaya hindi alam ni Cha. Hindi pa rin alam nina Mommy at Daddy ang tungkol sa aming dalawa. Sinabihan ko na ang dalawa kong kapatid pati na rin si Ate Yolly na huwag babanggitin muna kanila Mommy at Daddy. Ako ang magsasabi sa kanila bukas kasama si Cha. I know naman na matutuwa sila. Boto sila kay Cha, ayaw lang nilang pangunahan ang mga desisyon ko. Iginagalang nila ang anumang desisyon na ginagawa namin as long kaya namin itong mapanindigan.
Natutuwa ako kapag tumitingin ako kay Cha, napapatingin din ito sa akin. Malapit na ang breaktime. Hindi ko lang alam kung nakain na niya ang ginawa kong sandwich. Parang hindi pa dahil bawal dito ang kumain sa loob.
Nauna na akong lumabas sa kanya. Doon ko na lang siya sa labas hihintayin. Isinukbit ko na ang aking bag palabas. Kausap pa sila ng librarian. Alam naman niya na nasa labas lang ako.
“Hi pogi! Nakita na naman kita. Parang pinag-aadya ng pagkakataon na magtagpo ang landas nating dalawa,” rinig kong wika ng isang babae. Napalingon ako sa pinagmulan ng tinig nito. Ito yung babae na nakabungguan ko kanina.
Lumingo ako sa isang side ko para tingnan kung may katabi ba ako. Hindi ako sure kung ako ba ang kinakausap niya. Wala naman. Kaming dalawa ang medyo magkalapit.
“I’m sorry, Miss. Ako ba ang kinakausap mo?”
“Sa tingin mo may iba pa bang tao rito? Syempre ikaw! Kanina nagkabungguan tayo tapos heto tayo ngayon at parehong nagpapahinga rito,” sagot nito sa akin.
Wala pa rin si Cha. Medyo matagal yata ngayon ang paglabas niya.
“Hindi naman tayo pinagtagpo. Nandito ako kasi hinihintay ko ang girlfriend ko na lumabas mula dyan sa loob. Hindi ako nakatambay. Kahit kanina papunta ako sa girlfriend ko. Excuse me.” Sambit ko pa dito at pumasok na lang ako sa loob ng library. Medyo mainit sa labas at ayaw kong makipag-usap doon sa babae. Baka maabutan ako ni Cha na may kausap, e magtampo pa siya sa akin. Kahapon lang ako sinagot tapos ngayon magtatampo agad. Dapat huwag ako gagawa ng mga bagay na ikakasama ng kanyang loob. Promise ko, aalagaan ko siya at hindi na muling paiiyakin.
Noong sinabi sa akin ni Cassie kung gaano nasaktan si Cha sa nangyari sa amin noong mga bata pa kami ay parang pinipiga ang puso ko. Kaya ngayon na nabigyan ako ng pangalawang pagkakataon, nais kong maging maligaya siya sa piling ko palagi.
Sakto naman pagpasok ko at tapos na rin sila. Dala nga niya ang paper bag na bitbit ko kanina. Napansin niya na nakatingin ako sa paper bag kaya nagpaliwanag agad siya. Alam ko naman na bawal kumain sa loob.
“Sorry, hindi ko nakain ang sandwich na dinala mo. Pero mamaya ito ang snack ko. Salamat sa pag-prepare nito, hon.” Sambit nito. Naka-akbay ako sa kanya at hindi naman niya inalis ang kamay ko sa kanyang balikat.
“Pwede mo bang ulitin? Ang sarap sa tainga.”
“Ang alin? Yun bang salamat sa pag-prepare nito, Tor?” nilakasan pa niya ang pangalan ko.
“Hindi ganyan ang sinabi mo kanina,” malambing kong sambit sa kanya.
Tumawa lang siya habang papalabas kami ng campus. Mukhang sa kinakainan namin palagi ang punta pa rin namin nito.
Siya na pinabayaan kong mag-order ng food namin. Tumahimik lang ako dahil ayaw niyang ulitin ang sinabi niya kanina. Tumatawa pa rin siya habang magkatapat kami nito.
“Ito na lang para ngumiti ka,” sambit nito kaya napatingin ako sa kanya. “I love you, hon. Salamat sa dinala mong food kanina at sa lagi mong paghihintay sa akin.” Anas nito. Kinuha rin niya ang kamay ko at pinaglalaruan.
Ngumiti na ako sa kanya. Hindi na ako nagpakipot baka kung saan pa mauwi ang pag-iinarte ko. Gusto ko lang siyang tawagin ako sa endearment na napili ko. Tapos na kami sa friendship level kaya hindi na dapat Tor ang tawag niya sa akin at hindi na rin dapat Cha ang tawag ko sa kanya.
“I love you too, hon,” hindi ko natiis na hindi halikan ang likod ng palad nito na hawak hawak ko na. Ako na ang naglalaro sa kanyang mga kamay. Ang sarap naman kumain kapag ganito. Kasabay ko ang aking girlfriend at may I love you pang kasama.
“Heto na po ang orders ninyo. Mukhang blooming po kayo ah. At hindi lang iyon, ang sweet ninyo ngayon,” nakangiting wika nito sa amin.
“Syempre po, ate. Girlfriend ko na po siya. Dito po sa kainan ninyo ako sinagot ni Cha kahapon.” Pagmamalaki ko pa kay Ate na laging nagse-serve sa amin dito.
“Talaga?! Aba, congratulations. Bagay na bagay kayong dalawa. Sige kumain kayong mabuti bago pa langgamin ang pwesto ninyo.” Masaya niyang wika. Hindi lang kaming dalawa ang masaya pati na rin ang mga tao sa paligid namin.
“Hello, lovebirds!” bati sa amin ni Callie. Hindi namin napansin ang pagdating ng mga kapatid ko dahil busy kami ng girlfriend ko sa pag-uusap sa mga bagay-bagay.
“Hi! Kumain na kayo? Tara kain tayo!” ang aking hon ang sumagot. Puno pa ang aking bibig kaya hindi ako nakapagsalita.
“Tapos na sa bahay. Hindi lang buo ang araw namin kung hindi namin bubulabugin ang tanghalian ninyong dalawa.” Si Cassie ang sumagot.
“Cha, what time ka susunduin ni Kuya bukas? Saturday bukas. Pwede bang lunch time ka niya sunduin? Para pwede tayong mag-out of town kahit isang araw lang.” ani Callie. Hindi ko pa nasasabi kay Cha ito. Tiningnan ako ni Cha.
“Okay lang ba sa iyo na sunduin kita ng ganoong kaaga?” tanong ko naman sa kanya.
“Sige, maaga na lang akong gigising para makapaglaba ako agad.”
“Gusto mo pa-laundry na lang natin para hindi ka na mapagod. O kaya sa bahay na lang labhan, kay Ate Yolly.” Suggest ko sa kanya.
“Hindi na, hon! Kayang-kaya ko iyon,” sagot nito sa akin.
“Ayaw ko lang naman na mapagod ka, hon.”
“Ehem, ate Cassie mukhang madaming langgam. Kinakagat na ako. Nagkalat yata ang honey rito.” Natawa kami sa pinagsasabi nitong kapatid ko. Ang kulit talaga nito.
“Tara na, Callie. Mauna na tayo bago pa tayo makagat ng tuluyan. Istorbo tayo sa kanila. Kahit nandito nga tayo hindi na tayo isinasali sa kanilang usapan. Parang hindi tayo nag-e-exist. E di sila na happy ang lovelife!” parinig pa sa amin ni Cassie.
“Oo nga po, Ate Cassie. Out of place lang tayo rito. Pumasok na lang tayo sa loob at hanapin natin ang magpapakilig sa atin. Iwanan na natin ang matatamis na tao.” Natawa na rin kami sa kanila.
“See you tomorrow, Cha! Message ka lang kung what time ka susunduin ng honey mo. Baka hindi iyan makatulog sa sobrang ka-sweet-an mo sa kanya.” Palayo na lang ay panay pa ang pang-aasar ng mga kapatid ko.
“Gustong-gusto ka talaga nila para sa akin, hon,” sambit ko rito.
“Bestfriends kami kaya ganoon sila magsalita. Kahit hindi ikaw ang boyfriend ko, alam ko ganoon pa rin sila sa akin. Huwag kang masyadong assuming Mr. Perez. Kumain na lang tayo at mamaya lang ay time na.” wika nito sa akin. Totoo naman ang kanyang sinabi.
“Bestfriend ka man nila o hindi. Ang mahalaga sa akin, girlfriend kita! I love you, hon. Don’t forget yung kiss ko,” hirit ko pa sa kanya.
Inirapan lang ako nito pero alam ko naman na lambing lang niya ito sa akin.