2

869 Words
CHA’s POV Noong dumating sa Manila sina Tor, masaya na ako. Sa araw-araw na ginagawang pagbabantay sa akin ni Tor sa library ay sobrang kinikilig na ako. Mabuti at nagawa ko pang itago ito sa kanya. Pero hindi na ngayon dahil mag-boyfriend na kami. Pwede ko na rin sagutin ang mga sinasabi niya. Kung kailangan kong sumagot lagi ng I love you too ay gagawin ko. Napangiti ako sa sulat kamay nitong note na nakalagay sa ibabaw ng sandwich. At para makaganti naman ako sa pagpapakilig niya sa akin ay sinundan ko ito at isinulat ko ang gusto kong sabihin sa kanya. Dahil library ito at bawal ang mag-usap ay sa post it ko na lang ito inilagay. Alam ko napasaya ko siya dahil may nalalaman na itong flying kiss ngayon. Kukunin ko sana kaya lan ay baka makita ako ni Ma’am Ube, masita pa ako. Dapat ako ang tagabantay ng katahimikan dito at hindi maging dahilan ng ingay. Maiintindihan naman ng boyfriend ko iyon. Busy siya. Mukhang may ginagawang assignments. Dito na siya nag-aaral. Dapat nasa bahay pa siya dahil mamayang hapon pa ang klase niya pero maaga pa lang ay nandito na siya at sinasabayan pa ako sa pagkain during lunch break. Ihahatid pa ako sa aking classroom bago siya pumunta sa building niya. Kaya paano ko siya hindi sasagutin? Napaka-sigasig niya sa panunuyo sa akin. May mga nasayang man na pagkakataon para sa aming dalawa ay hindi ko na pinanghihinayangan dahil sa mga bagay na iyon, muling itinuro kami sa isa’t isa. At ngayon, sigurado ako sa nararamdaman ko para kay Tor. Mahal ko siyang talaga. May nag-sauli ng book kaya tumayo ako. Titingin sana ako sa pwesto ni Tor pero wala siya roon at nagtatago rito sa likod ng student na nag-return ng book. “Yes po?” anas ko sa kanya. “May hihiramin po sana akong book na related sa subject na ito. Wala akong makita dito sa may labas. Pwede mo po ba akong i-assist kung saan ko pwedeng makita ang books para rito?” Ang mga lumang books ay sa loob. Pwede rin na mag-stay ang student doon dahil may table rin at mas tahimik. Doon ay may mga shelf at ikaw rin ang kukuha. “Meron sa may loob. Pwede kang maghanap doon ng mga books na related sa topic na kailangan mo.” sagot ko dito. “Pwede mo po ba akong i-assist?” tanong pa nito sa akin. Hindi naman alam na boyfriend ko si Tor. Hindi ko rin nababanggit na nanliligaw ito sa akin. Malakas lang talaga ang pakiramdam nung isa kong kaklase. Si Joy, dahil una pa lang napansin niya na may something sa amin ni Tor kahit hindi pa kami noon guna. “I-assist ko muna siya sa books na need niya para magamit na refence,” tumango naman ang kasama ko. Lumabas ako sa counter at pumasok ako sa loob kasunod ko si Tor. May mga student na tahimik na nag-aaral dito sa loob kaya naman tahimik lang din ang bawat kilos namin. Hindi kami pwedeng mag-ingay nito. Nakasunod naman siya sa akin habang hinahanap ko ang signage para sa subject na need niya. Nasa dulo ang kailangan niyang mga reference book. Iniisa isa ko ang mga libro nang bigla akong yapusin nito. Wala namang CCTV rito. Nasa may pagpasok lang naman at ang mga gamit ay nandoon din. Pumasok si Tor na walang dalang gamit. Nasa post it lang nakasulat ang hinahanap niyang book. Nilingon ko ito, para sawayin. Baka may kasunod kami at makita ang ginawa nito sa akin. Baka ito pa ang maging reason para maalis ako rito. “Tor, baka may makakita sa atin,” anas ko rito at ingat na ingat akong may makarinig sa akin. “Gusto ko lang maglambing sa girlfriend ko. Can I kiss you?” bulong pa nito sa aking tainga na nagbigay ng kakaibang kilabot sa aking katawan. “Hindi pwede, Tor!” pilit kong inalis ang mga kamay nito sa aking bewang. Hindi talaga pwede, mahirap na. Hindi ito ang oras ng landian. Nagpunta kami rito para maghanap ng book niya. Itinuloy ko pa rin ang paghahanap ng book na need niya. Maiintindihan naman niya kapag ipinaliwanag ko sa kanya ng mabuti na hindi pwede ang gusto niya. Hindi naman niya siguro gugustuhin na maalis ako rito. Para hindi ito magtampo, hinawakan ko ito sa kanyang kamay at sinenyasan ko na may ibubulong ako sa kanya. “Mamaya na lang, huwag lang dito. Please, hon. Huwag ka ng magtampo,” nagliwanag naman bigla ang mukha nito. Ang totoo ay hindi ko alam kung paano ko ibibigay sa kanya ang kiss na nais niya. Madaming estudyante sa bawat sulok ng campus. Siguro mamaya na lang pag-uwi ko sa gabi kung ihahatid niya ako. “Okay, promise is a promise. Maghihintay ako mamaya.” Napalakas pa ang pagkakasabi nito kaya tinakpan ko agad ang kanyang bibig. “Promise,” ako na ang nagsalitang muli at itinaas ko pa ang aking kanang kamay. “Tara na sa labas at baka marami ng estudyante roon.” Hindi ko na siya hinintay pang sumagot. Nauna na ako sa kanya. Bahala na siyang sumunod. Wala nang lingon lingon pa.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD