CHA’s POV Araw ng Lunes na naman at may pasok ngayong araw. Maaga akong pumasok dahil madami kaming naiwan na trabaho nung Friday night. Nagmadali kaming magsi-uwi gawa na may lakad kami. Ang lakad na muntikan pa akong mapahamak. Hindi ko alam kung paano pakikitunguhan ngayon si Brent. Pagkatapos na may matuklasan ako sa kanya. Abala ako sa aking ginagawa ng may pumasok at nanghiram agad ng libro. “Good morning! Pwede ba akong makahiram ng book ng International Economics?” pamilyar na pamilyar ang boses at wala naman ibang tao na pwedeng magbigay sa kanya ng libro kundi ako lang. Wala naman siyang ibang sinabi kundi manghihiram lang at bilang trabaho ko ay dapat ko siyang i-entertain. Hindi na lamang ako nagsalita bagkus ay inabot ko ang libro at kinuha ko ang ID niya kapalit nito.

