CHA’s POV “Cha, gusto mo gumala naman tayo bukas? Mag-mall ba? Matagal ka na yatang hindi lumalabas. Yung ma-enjoy mo naman uli ang weekend. Kahit window shopping lang tayo.” Hindi pa kami natutulog na dalawa at nagku-kwentuhan lang kami. Wala pang alam si Mel tungkol sa kasal namin ni Castor. “Mel, may naalala pala ako. Yung sinakyan natin kanina, parang isang sasakyan lang yung papunta at pauwi. Hindi ka pa yata nagbayad. Magkano share ko?” “Oo nga, iyon din napansin ko kanina. Hindi ko na lang nabanggit dahil busy ako sa pakikinig sa iyo. Baka doon lang siya sa area na iyon kanina umiikot? Bayad iyon, sa gcash ko lang siya binayaran. Saka huwag mo na intindihin iyon. Akin na lang iyon. May iba ka pang dapat pagka-gastusan. Kaya huwag mo na intindihin. Bukas, payag ka ba? Kakabiga

