Chapter 51 Sa kaharian ng Ekathva ay kararating lang ni Prinsipe Aariv at naghihintay sa kanya si Prinsipe Brahman. "Kamusta ang paghahanap mo ng halaman gamot Prinsipe Aariv?" ngiting pagbati ni Prinsipe Brahman. Hinintay talaga ni Prinsipe Brahman ang makisig na sirenong si Prinsipe Aariv. Hindi na siya nagulat ng hindi na niya mahanap si Prinsipe Aariv sa kanyang tabi. Alam niyang tumakas na naman ito at hinayaan lang niya ito. Alam ni Prinsipe Brahman kung saan ito pupunta. Gusto niyang hayaan lang niya ito para magkaroon ito ng interest na magkaroon ng paa tulad ng mga taong nakakasalamuha nito. Gusto ni Prinsipe Brahman mawili si Prinsipe Aariv sa pagpunta nito sa ibabaw ng karagatan at makipaghalubilo sa mga tao. Siniaigurado ng matipunong sireno na kapag nalaman ni Harin

