Chapter 50 Pagkatapos na kinausap ng makisig na binatang si Wallace si Manang Cecil tungkol sa pagdaraos niya ng maliit na salo-salo mamayang dinner. Pumunta na muna siya kuwarto kung saan nandoon ang kanyang kasintahan na si Vera. Sinabihan niya ito na pumunta na sila sa beach area kung saan nanghihintay na sila Noah, Cassius at Maggie. Sabik na niyang ipakita sa kanyang magandang kasintahan ang magandang parte ng dalampasigan kung saan matatagpuan ang mga magagandang corals at mga isda. Napangisi si Wallace dahil na rin nakita niyang lumabas ng banyo si Vera at nakasuot ito ng isang napakasexy na red two pieces. Napakagat labi pa siya dahil sobrang sexy talaga ng kanyang kasintahan. Ang kinis at puti ng kutis nito na malaporselanang kutis. Ang nakakapanglaway sa kanya ang malulusog

