Chapter 49 "Hmm… Babe ayos ka lang ba?" pag-aalalang tanong ni Vera. Simula ng makita nila si Dagger ay naging tahimik na ito? Nag-aalala siya kung ano ang iniisip nito ngayon? Napatingin si Vera kay Maggie na abalang inaayos ang mga inorder nilang kape. Inutusan niya ito na ayusin ang pagkakalagay ng mga inorder nila baka kasi mabuhos ang mga ito. Nandito sila ngayon sa Kape ni Rald kung saan maraming mga customer ngayon. Nasa beach front sila nakaupo kung saan kitang-kita nila ang magandang asul na asul na karagatan ng probinsya ng San Roque. Rinig na rinig din nila ang nakaka-relax na hampas ng alon sa may dalampasigan. Hindi rin mainit dito dahil napapalibutan ng mga malalabong at nagtataasan na punong kahoy ang paligid ng Kape ni Rald. Na-miss ni Vera na pumunta rito sa Kape

