Chapter 42 "Good morning, dude. Kamusta sugat mo?" ngiting tanong ni Noah. Dahil sa maagang nagising si Noah ay tinulungan na lang niya si Manang Cecil na magluto ng almusal. Hindi na nag-abala pa si Noah na gisingin ang kanyang kaibigan na si Cassius. Sa pagpasok nila sa kuwarto kagabi ay agad na binagsak nito ang katawan nito sa ibabaw ng kama. Kakausapin pa sana niya ito ngunit nakita niyang mahimbing na ang tulog nito. Pansin ni Noah na para bang pagod na pagod ang kanyang kaibigan na si Cassius. Sa pagkakaalala naman niya ay wala naman silang masyadong ginawa kahapon. Pero hinayaan na lang ni Noah na matulog ito. Ayaw na niya mag-isip ng ano pa man. Kahit na hindi siya naniniwala sa sinabi ni Cassius sa kanya kagabi ay mas pinili na lang niyang manahimik kaysa mag-ayaw pa sil

