Chapter 38 "Prinsipe Aariv, lumabas na tayo," ngiting sabi ni Prinsipe Brahman. Sa paglabas niya kanyang silid ay agad niyang hinanap si Prinsipe Aaeriv. Napag-alaman niya na pumunta ito sa Murtis kasama ang punong kawal ng mga kanu na si Nishit. Nagtataka si Prinsipe Brahman kung bakit bigla-bigla na lang pupunta si Prinsipe Aariv sa Murtis? Napatanong siya sa kanyang sarili kung alam na ba nito ang kakayahan na taglay ng batong yatin? Hindi na nag-aksaya pa ng sandali si Prinsipe Brahman at mabilis siyang lumangoy papunta sa Murtis. Sa pagdating niya sa lugar kung saan naroon si Prinsipe Aariv ay agad siyang hinarang ng dalawang kanu na nagbabantay sa labas ng kuweba ng Murtis. Nakiusap siya na kailangan niyang makausap si Prinsipe Aariv dahil may mahalaga siyang sasabihin dito.

