Chapter 39 "My god babe anong nangyari sa'yo?" pag-aalalang tanong ni Vera Esquiña. Kararating lang ni Vera sa malayong probinsya ng San Roque. Ang plano sana niya ay next pa siya pupunta rito ngunit tumawag sa kanya si Noah na matalik na kaibigan ni Wallace na kasintahan niya na dinala sa hospital ito. Agad siyang nakaramdam ng pag-aalala sa kanyang kasintahan na si Wallace. Tinanong agad niya kung ano ang nangyari rito at kung bakit ito isusugod sa hospital. Sinabi ni Noah sa kanya na naaksidente ito sa may dalampasigan. Napapailing na lang siya sa nangyari sa kanyang makisig na kasintahan. Agad na niyang kinuha ang inimpake at inayos niyangga gamit papunta sa private resort ng Alegre. Last week pa ay nag-ayos ng gamit si Vera sa paghahanda niya sa pagpunta sa probinsya ng San R

