Chapter 28 "Sirena?" kunot noo tanong ni Manang Cecil Bigla na lang napatigil si Cecil sa tanong sa kanya ni Wallace. Tinanong nito kung naniniwala ba siya sa mga sirena? Napatanong siya sa kanyang sarili kung naniniwala ba siya na may sirena? Sinabi ba lang ni Cecil na hindi siya naniniwala na may sirena hangga't hindi niya nakikita sa kanyang dalawang mga mata. Tinanong ni Cecil kay Wallace kung bakit natanong nito kung naniniwala siya sa mga sirena? "Wala naman Manang Cecil. Wala bang mga bali-balita rito sa probinsya ng San Roque na may mga sirena rito nakita sa may karagatan?" usisa ni Wallace. Gustong malaman ni Wallace kung meron bang bali-balita sa lugar na ito kung meron bang nakakita nang sirena? "Hmm… Noon dalaga pa ako ay may mga sabi-sabi na meron daw silang nak

