Chapter 27 "Dude anong nangyari sa'yo?" pag-alalang tanong ni Noah. Nagulat na lang si Noah ng makita niya sa binocular na gamit niya kanina ang kanyang kaibigan na walang malay na nakadapa sa may dalampasigan. Nasa balkonahe si Noah kasama ang kanyang kaibigan na si Cassius. Kakatapos lang nilang panuorin magluto si Manang Cecil sa niluluto nitong kare-kare. Sobra siyang namangha kung paano nito niluto ang masarap na kare-kare. Napakalapot at sobrang malasang-malasa ang sauce na ginawa ni Manang Cecil. Nakita ni Noah na ginamit nito ang isang preanut butter na palaman at toasted na mani na dinikdik sa dikdikan ng bawang para maging pinong-pino ang mani. Nasabi ni Noah kay Manang Cecil na sobrang matrabaho pala ang pagluluto ng kare-kare at dapat din ay quality ang mga sangkap par

