Chapter 26 "Prinsipe Aariv, hinahanap kita kanina pa dahil gusto ka raw kausapin ni Haring Odiss," ngiting sabi ni Prinsipe Brahman. Malaki ang pasasalamat ni Prinsipe Brahman na tinulungan siya ni Prinsipe Aariv na makausap ang ama nitong hari na si Haring Odiss. Sinamantala ng matipunong na binatang si Prinsipe Brahman ang pagkakataon na masabi sa hari ng Ekathva ang kanyang gusto niyang sabihin tungkol sa sitwasyon ng kaharian ng Mortis. Sinabi ni Prinsipe Brahman na kailangan ng tulong ng kanilang kaharian dahil talamak ang nakawan at mga masasamang gawain ng mga nilalang na nakatira sa Mortis. Nangako pa ang matipunong lalaki na kapalit ng pagtulong ng kaharian ng Ekathva sa kaharian ng Mortis ay pagsisilbihan niya ang mga nilalang dito sa Ektahva. Gagamitin ni Prinsipe Brahm

