Chapter 23 Hindi makapaniwala si Wallace Alegre na muli na naman siya nakakita ng sirena. Kitang-kita niya sa kanyang dalawang mata ang asul na asul na mata ng sirena. Nagkatitigan pa silang dalawa ng ilang segundo at mabilis din itong lumusong sa tubig dagat. Kitang-kita rin ng makisig na binata ang buntot ng sirena. Napaupo na lang siya sa may dalampasigan habang nakatulalang nakatulalang nakatingin sa malalakas na hampas ng alon. Hindi nga namamalikmata si Wallace noong bata pa lamang siya dahil ngayonh bente uno na siya ay muli siyang nakakita ng sirena. Kanina habang aliw na aliw si Wallace sa pakikipaglaro sa mga malalakas na hampas ng alon sa may dalampasigan ay pakiramdam niya ay para bang may nakatingin sa kanya? Gamit ang kanyang mga mata ay ginala niya ang kanyang paningi

