Chapter 22 Sa Kaharian ng Ekathva. "Prinsipe Aariv, saan ka nagpunta? Alam mo bang kanina ka pa pinapatawag ni Haring Odiss?" seryosong tanong ni Nishit. Muli na naman ginalugad ni Nishit kasama mga Kanu ang buong kaharian ng Ekathva. Hinahanap na naman nila ang nag-iisang anak ng hari ng Ekathva na si Prinsipe Aariv. Inutusan ni Nishit ang mga kasamahan niyang Kanu na bawat kasuluk-sulukan ng kaharian ng Ekathva ay tignan kung nandoon nga si Prinsipe Aariv. Ngunit nakalipas na ang ilang beses nilang paggalugad sa Ekathva ay hindi nila makita ito. Kahit na ayaw sabihin ni Nishit kay Haring Odiss ang sitwasyon na nawawala na naman si Prinsipe Aariv ay kailangan niyang sabihin ito. Hindi na nagulat ang punong kawal ng mga kanu na si Nishit na galit na galit si Haring Odiss ng mala

