Chapter 57 Sa pagmulat ng mata ng makisig na binatang si Wallace ay napatingin agad siya sa kanyang cellphone para tignan kung anong oras na? Nakita niyang malapit na mag-ala singko ng umaga. Kahit na nakakaramdam pa si Wallace ng pagka-antok at gusto pa niyang matulog ay bumangon na siya mula sa pagkakahiga niya. Napatingin si Wallace sa kanyang kasintahan na si Vera na mahimbing pa rin ito natutulog. Alam niyang mamaya pa ito magigising kaya naman maingat siyang pumunta sa cabinet at kumuha ng isang puting t-shirt. Hindi na siya nag-abala pang magsuot ng short dahil nakasuot na siya ng isang kulay na asul na boxer short. Napangisi si Wallace dahil naka-semi erect ngayon ang kanyang alaga sa loob ng kanyang short pero binalewala na lang niya ito. Alam niyang wala pang gising sa ora

