Chapter 56 "Huh? T-tinignan ko lang kung komportable ang tulog nila dude," pilit na ngiting sabi ni Cassius. Napalunok na lang ng laway ang guwapong binatang si Cassius ng makita niyang titig na titig sa kanya ang kanyang kaibigan. Para bang iniisip nito kung totoo ba ang sinabi niya? Ayaw itanong ni Cassius kung kanina pa ba ito? Baka magtaka ito kung bakit niya iyon tinatanong. Sinabihan na lang niya ito na maligo na agad baka magkasakit pa ito dahil sa malamig na panahon. Biniro pa ni Cassius si Wallace na ang lakas ng trip nitong mag-night swimming dahil na rin sinisigurado niyang sobrang lamig ng tubig dagat ngayon. "Masarap nga maligo kapag ganitong oras. Sige pasok na ako sa kuwarto. Ikaw dude magpahinga ka na rin," ngiting sabi ni Wallace. Ayaw ni Wallace na mag-isip ng

