Chapter 59 "Prinsipe Aariv, pansin ko sa mga nagdaang araw ay tahimik at hindi ka na lumalabas ng Ekathva para humanap ng halamang gamot?" usisang tanong ni Prinsipe Brahman. Napansin nga ng matipunong prinsipe na hindi na pumupunta sa ibabaw ng karagatan si Prinsipe Aariv. Hindi na ito nagpapaalam sa kanya na maghahanap daw ito ng halamang dagat. Isa rin sa kapansin-pansin sa makisig na prinsipe na si Prinsipe Aariv ay naging tahimik ito na para bang malalim ang iniisip nito? Lagi nakikipagkuwentuhan si Prinsipe Brahman sa prinsipe ng Ekathva ngunit alam niyang hindi siya nito masyadong pansin. Noong huling paalam sa kanya si Prinsipe Aariv ay hindi na niya ito sinundan dahil na rin kailangan pa niyang gamutin ang mga Kanu na sugatan. Sa pagbalik ng makisig na prinsipe sa kaharian

