Mundo 60

3413 Words

Chapter 60 Isang malalim na buntonghininga ang pinakawalan ng makisig na binatang si Wallace. Nakatingin siya sa magandang tanawin sa kanyang harapan kung saan kitang-kita niya ang papasikat na haring araw.  Nandito si Wallace sa dulong parte ng dalampasigan kung saan hinahayaan lang niyang humampas ang alon sa kanyang mga paa. Nanatili pa rin ang makisig na binata rito kahit na ilang oras na siyang nakatayo at maghihintay sa muli pagdating ni Prinsipe Aariv.  Ilang araw na rin simulang hindi nagpakita sa kanya si Prinsipe Aariv. Hindi niya maiwasan na mag-alala at kasabay ng pag-aalala niya ay ang pagkainis niya sa makisig na prinsipe.  Nag-aalala ang makisig na binatang si Wallace sa kapakanan ni Prinsipe Aariv. Maraming pumapasok sa kanyang isip tungkol sa possibleng nangyari rito.

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD