Chapter 45 "Prinsipe Aariv, tinatanong kita," seryosong sabi ni Haring Odiss. Seryosong nakatingin si Haring Odiss kay Prinsipe Aariv na nasa kanyang harapan. Kanina ay pinaalis na muna niya ang mga Kanu kinakausap niya dahi na rin sa biglang pagdating nito. Ngayon ay tinatanong niya ito kung bakit gusto nitong malaman ang tungkol sa sagradong bato ng Ekathva ang batong yatin? "Naitanong ko lang kay Bankim, kung ano ba ang taglay na kakayahan ng batong yatin," tugon ni Prinsipe Aariv. Dagdag pa ni Prinsipe Aariv ay hindi niya maiwasan na mainis kanina kat Bankim dahil hindi nito sinasagot ang kanyang tanong. Simple lang naman ang kanyang katanungan. Tinatanong lang ng makisig na sireno kung ano bang meron ang batong yatin kung bakit naging sagradong bato ito? Sinabi ni Prinsipe

