Chapter 44 "Prinsipe Aariv, anong kailangan mo?" seryosong tanong ni Haring Odiss. Hindi na nagtaka si Haring Odiss ng makitang pumasok si Prinsipe Aariv sa bulwagan ng palasyo. Habang kalagitnaan niyang pakikipag-usap sa mga Kanu na mga kawal ng Kaharian ng Ekathva ay lihim siyang napangisi ng makita niya si Prinsipe Aariv. Alam ni Haring Odiss kung ano ang pakay ni Prinsipe Aariv. Sigurado siyang magtatanong ito kung bakit may mga nagbabantay na naman dito na Kanu? Kailangan niyang higpitan at malaman ang bawat kilos ni Prinsipe Aariv. Nalaman niya na nakipagtalo ito kay Bankim na taga pag-alaga ng sagradong bato ng kaharian ng Ekathva ang batong asul na batong yatin. Sinabi pa nito sa kanya na nagtanong si Prinsipe Aariv tugkol sa batong yatin. Napanatag naman siya ng sabihin

