PAGMULAT NG mga mata, ang maamong mukha na ni Lei ang bumungad sa akin. Ang matamis niyang ngiti ay tila ba araw na nagbigay init sa aking umaga. Ang maaliwalas niyang mukha ang nagpangiti sa aking labi. Umagang-umaga, parang lumulutang na naman ako sa alapaap. Ang sarap sa pakiramdam at feeling. Ang gaan sa loob. Ito ang umaga na hindi magsasawa ang tao na kaharapin sa araw-araw. Pagdilat pa lang ng mga mata ko, kaginhawaan na agad ang naramdaman ko. "Good morning," bati ni Lei na ang mukha ay mismong nasa harap o katapat ang mukha ko. "Magandang umaga rin," bati ko naman pabalik at napangiti. Kanina pa nagdiriwang ang buong organs ko sa katawan dahil nga sa hindi nagbago at hindi naalis ang yakap sa akin ni Lei mula kagabi hanggang ngayon. Ramdam ko ang kamay niya sa baywang ko. Nag

