NAUNANG UMAMIN si Fernan. Nauna itong nagtapat kaysa kay Lei ng nararamdaman. Binigyan nga ako nitong regalo na ikinatuwa naman ng mga bulate sa tiyan. Si Fernan din ang naging dahilan kaya napadpad ako rito. Dahil kay Fernan, nagkaroon ako ng trabaho at napunta ako rito sa mansiyon. Dahil sa kaniya ay mayroon na akong naipadala sa mga ilang buwan na nakalipas. Dahil kay Fernan, hindi ko makikilala ang mga anak niya lalong-lalo na ang panganay. Malaki talaga ang naitulong sa akin ni Fernan sa pagkupkop niya sa akin. Ngunit ang itinatangi naman ng aking puso ay si Lei. Siya ang laman ng aking dugo at ugat. Si Lei ang kauna-unahang lalaking bumihag ng aking babaeng puso. Buong buhay ko, noon pa man na nasa probinsiya ako hangang mapagpad rito sa lungsod, wala pang kumuha ng puso ko nang

