Kabanata 14: Loving Mr. Castillo

5000 Words

Kabanata 14 HUMINTO KAMI ni Lei sa paglalakad nang marating namin ang kuwarto ni tandang Floresca na feeling nireregla. Ayaw ko sanang pumasok dahil naiinis ako sa kaniya at nabuhay pa siya—kaso, napag-isip-isip ko, nakakaawa naman siya kung mamamatay siyang hindi ako nakikiramay at dumalaw—biro lang! Kaya naman, papasok ako sa loob hindi para kumustahin siya at ang kalagayan niya. Papasok ako sa dahil ako na ang maghahatid sa kaniya sa libingan niya—biro ulit! Pumasok na si Lei sa loob ng kuwarto. Samantala, naiwan naman ako rito sa labas ng kuwarto ng matanda dahil nakapaninibago ang pasilyo rito. Walang gaanong mga painting at vase, iilan at bilang lang sa mga daliri ang naraanan namin. Hindi ko alam kung malapit lang ba sa kuwarto ko pero basta, ang alam ko ay marami kaming nilikuan

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD