Kabanata 13 NANG MAKARATING na kami sa kusina ay pinainom na ang matanda ni Jester ng tubig. Sunod naman ang gatas. Hindi magkandaugaga si Jester, alalang-alala ito dahil sa kalagayan ng matanda! Pagtapos ay iniupo ni Jester si Floresca sa isang upuan dito sa kusina. Para naman may ambag ako sa nangyayari at hindi lang ako nakatayo rito bilang manunuod ay mabilis akong naghanda ng pagkain. Dapat talaga, may ginagawa ka at hindi tumatayo lamang. Naniniwala kasi ako sa kasabihan na, Make yourself useful o sa Tagalog naman ay, Magbanat ng buto pero huwag baliin ang buto. Pagtapos ay umupo ako sa harap ng matanda at pinakain siya. Para siyang hindi nakakain ng isang daang taon at para siyang galing sa isang islang hindi nakararanas ng tubig. Uhaw na uhaw siya’t gutom na gutom! Madaling-mad

