NAPATAWA NA NAMAN si Jester kaya nakita ko na naman sa maputi niyang pisngi ang malalim niyang dimple na ang sarap kurutin, pisilin, at panggigilan. “B-Bakit?” natatawa niyang sagot. Buti! Akala ko, kailangan ko pang iuntog ang ulo niya sa tiles na sahig bago pumayag. “Bilib ako sa ginawa mo na mas inuna mo ang pag-aaral kaysa ang paglalandi. Alam mo ba kung bakit? Bihira na lang ang ganiyang mga lalaki na marunong magdesisyon nang tama sa buhay! Ang tipong mas uunahin ang kailangan at priority kaysa sa mga pansamantalang bagay lamang at sa mga bagay na kaya namang makapaghihintay. Bilib ako sa iyo! Hindi ka lang guwapo sa labas mo, guwapo ka rin sa kalooban mo, Jester." Ngumiti sa akin si Jester. “Alam mo, may nasabi ka ring maganda o maayos-ayos. Puro kasi kalokohan ang naririnig ko

