NAALALA KO TULOY ang sarili ko noong pitong taong gulang pa lamang ako. Dahil mahirap ang buhay, life is hard. Pitong taong gulang pa lamang ako, nagbabanat na ako ng buto sa katawan sa pamamagitan ng pangangalakal sa dumpsite ng probinsiya namin. Mainit ang araw, nakapaa lang ako, gulo-gulo rin ang buhok, tulo ang uhog at malapot na sipon. Minsan nga, lumolobo pa ito. Kinakain ko na lang para hindi sayang. Noong bata pa ako, marami na akong pinasok na trabaho. Ganoon talaga kami hirap sa buhay. Walang bata-bata, wala ring edad pagdating sa paghahanap ng pera at ng makakain. Tumutulong din ako sa maliit na taniman namin kasama ang kapatid ko. Marami akong dinanas na hirap at sakit sa katawan sa trabaho noong bata pa lang ako. Samantalang si Xian, batugan siya! Tamad! Walang ginagawa! Hin

