Napahawak ako sa ulo ko sa rami ng mga kuto rito—este sa rami-rami ng mga bagay na kanina pa tumatakbo sa isip ko. Hindi ko namalayan na lumipas ang maghapon kung kaya't kinagabihan, tulala pa rin ako habang nagluluto kami ng matandang katulong ngayon. Sayang nga lang dahil wala ngayong gabi si Fernan at hindi ko ito makauusap. Lumayas na naman ang lalaki matapos nitong guluhin ang utak ko. Ganiyan naman silang mga lalaki, guguluhin ka at kapag umasa ka sa mga salita nila ay bigla-bigla na lamang hindi magpakita. May bago pa ba? Nakasasawang masanay. Kami namang mga babae, aasa sa lahat ng mga motibo na iniiwan sa amin ng mga lalaki. Isang araw ang lumipas ngunit iyon pa rin ang siyang laman ng isip ko, tumatakbo sa utak ko, kumakain ng sistema ko, gumugulo sa atay ko, nagpapataka ng ap

