WALANG ANO-ANO ay mabilis na kumilos ang mga paa ko, nagtatakbo palabas ng mansiyon at sinabi sa matanda na manatili na lamang dito. Takbo ako nang takbo at buti na lamang naaalala ko pa ang patungo sa parke na iyon dahil noong nakaraang linggo, tumumgo kami rito ni Xian, kaming dalawa lamang noon at siya pa talaga na bata ang nagturo ng daan. Pagkarating ko sa parke, may ilang mga tao na mayaman ang nag-uusap at bumubulong. Habang mayroon namang mga security guard na naghahanap-hanap, mga sampu pataas! Kaagad akong nagtanong-tanong sa ilang mga nanay na mayayaman. Lumingon-lingon din ako sa paligid ngunit wala akong makitang Xian! Wala na ring mga bata sa paligid, tingin ko ay pinauwi na ng kanilang mga magulang. "Na-check na po ba ang mga CCTV?" tanong ko sa isang security guard na ma

