NATUTUWA AKO NA mayroong pag-usad, na mayroong pagbabago, mayroong pag-abante sa pamilya ng Castillo. Umuusad ang buong relasyon nila bilang iisang pamilya, at nagawa pa nilang mag-bonding kagabi sa pool nila. Natutuwa ako na kaya rin pala nilang gawin iyon. Sabi ko nga noon, maayos din nila ang kung ano mang gusot sa kanilang pamilya. Hindi man ito mabilis, isang bagsakang naayos at bumalik sa dati, ang mahalaga ay unti-unti at dahan-dahan, naayos ang kanilang turingan. Nakita ko ang matamis na ngiti sa labi ni Xian, Jester, Lei, at Fernan kagabi sa bonding nila. Kagabi nga, hinaya ako ng magandang feeling nireregla na daluhan ang mga Castillo, na maki-bonding sa mga lalaki sa swimming pool. Ang kaso, hindi ako marunong lumangoy at baka lunurin lang ako ng apat na lalaki. Isa pa, ipaub

