Kabanata 25: ISA RIN SA MGA bagay na lubos at lagi kong pinahahalagahan ay ang pamilya. Ito ang isa sa mga labis kong inaalala sa lahat ng oras dahil pamilya ang isa sa mahalaga sa akin, maging sa buhay ko, sila ang hininga ko. Ang pamilya ang isa sa mga dahilan kung bakit tayo nabubuhay rito sa mundo. Ang pamilya ang nagtutulak sa atin na lalo pa tayong magsumikap sa mga bagay na gusto nating makamtan. Pamilya ang pinakamaliit na yunit ng lipunan. Pamilya ang maituturing na tahanan ng isang tao sa kaniyang buhay. Pamilya ang siyang lahat-lahat sa buhay ng isang tao kahit nasaan man siya naroroon. Para sa akin, pamilya na siguro ang isa sa pinakapangangailangan ng tao. Para sa akin, pamilya na siguro ang dahilan kung bakit nabubuhay ang tao bukod sa sarili niya. Lalo na't higit sa laha

