Kabanata 27: Loving Mr. Castillo

5000 Words

DALAWA KAMI NI Lei ay seryoso ang tinginan sa isa’t isa sa mga oras na ito. Magkatabi lamang kami sa sofa nila rito sa malawak na sala at walang bumabali ng titigan namin pareho. Walang nais magpatalo, direkta ang mga mata. “Hubarin mo na ang polo mo,” utos ko kay Lei habang nagkakatitigan kami sa isa’t isa. “Bakit ko gagawin iyon? Puwede ko namang iutos sa iba na gamutin itong daplis ko sa tagiliran,” mahinahong saad ni Lei. Sa huli ay siya ang nag-iwas ng tingin at sumuko. Isang buntonghininga ang pinakawalan nito at agad na napasandal sa sofa at bagot ang mukha. Hindi niya gustong hubarin ang polo niya at alam ko namang nahihiya siya sa akin, siyang ikinaiinis ng bunbunan ko. Napakaarte talaga ng lalaki! Gagamutin na nga ang sugat niya at ngayon ay nagkusa na rin ako! Hindi ba siya

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD