“KUNG IKAW ANG nasa kalagayan niya, gagawin mo rin ba ang ginawa niya? Sinamantala niya ang kahinaan ng ibang tao para sa gawain?” “Hindi ko masasagot ang tanong mo dahil mahirap magbitiw ng salita. Naniniwala kasi ako sa kasabihan na, Never judge a situation that you've never been in,” sagot ko nang may tapang, taas-noo, at may kahulugan sa lalaki. “Sa Tagalog?” tanong ni Lei. Hinahamon ako! “Daig ng masipag ang matalino dahil mas mabilis tumakbo ang kuneho sa pagong,” buong tapang na sagot ko. Napatawa naman si Lei, senyales na tama ang sagot ko. Akala niya ba, siya lang ang marunong mag-English sa aming dalawa? Nagkakamali siya roon. “Let's go.” Tumayo na si Lei at naglakad na ito palabas ng kuwarto. Sumunod naman ako sa kaniya na may ngiti sa labi na kanina ko pa pinipigilan. Ang n

