NAKAUWI KAMI NG mansiyon na puno at apaw ang pagkamangha sa akin ni Jester, gayon din naman ako sa sarili ko. Dalawa kami ay labis na mangha sa bilis ng mga pangyayari, lalo sa harap ng babaeng nangungulit kay Jester. Gayunpaman, masaya pa rin dahil nga sa naging matagumpay ang pagpapalayas namin sa masamang espiritu—este pagsabihan ang babaeng nangungulit kay Jester. Pagdating namin sa mansiyon, marami pang itinanong sa akin si Jester ngunit habang nasa biyahe, pansin ko na parang masama ang pakiramdam ko. Kaya naman, sinabi ko na lamang na saka na lang namin pag-usapan. Napatango lamang siya kaya't nang makauwi kami, nagpaalam siya na magpapahinga raw habang ako ay ibinalik ang dating mukha. Basta, ang mahalaga ay maganda ako at natuto na akong magmura dahil sa kanila rin. Maghapon

