Kabanata 39: Loving Mr. Castillo

3100 Words

HALOS MALAGLAG na ang panga ko sa narinig. Dahan-dahang namilog ang mga mata ko sa mga salitang kumawala sa labi ni Fernan. Tila ba ipinako ang mga paa rito sa kinatatayuan at hindi na ako nakagalaw pa. Nanuyo ang lalamunan ko sa isang iglap dahil sa narinig. Para bang nabuhusan ng malamig na tubig. "Gusto ko nga palang sabihin sa inyo, mga anak ko na gusto kong ligawan si Marites." Literal na hindi ko alam ang gagawin. Bigla na lamang akong nablangko. Para akong nahipan ng hangin dito sa kinatatayuan at walang kahit isang salita ang lumalabas sa aking bibig na para bang tinakasan na rin ako ng boses ko. Hindi ako makapaniwala na harap-harapan, at direktang sinabi ni Fernan sa mga anak niya na gusto niya akong ligawan! Hindi ko alam kung ano ang pumasok sa kaniyang isipan ngunit alam

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD