CHAPTER 24 --- "Ginawa ni Lucy 'yon?! Ate, pigilan mo ako, papatulan ko na 'yong Lucifer na 'yon!" Napailing ako kay Dori at humiga sa kama ni Lanzeus. Wala siya dahil bumalik na sa trabaho. Bumalik lang siya kanina para kunin ang naiwan niyang personal laptop. Ako raw sana uutusan niyang magdala no'n kaso hindi nga ako ma-contact kaya umuwi na lang siya para daw siya na ang kukuha. "Sumusobra na siya sa ginagawa niya sa'kin," bulong ko at pumikit. Ayaw kong sumabog sa inis dahil nawala ang mga damit ko. "Utos 'yon panigurado ni Madam Lora. Halata namang ayaw niya sa'yo, Ate. Nagagalit ata kasi si Sir Lanz may asawa nang iniharap kay Sir Leo. Paano kasi ayaw mag-asawa pa ata mag asawa ni Ma'am Abby kasi nag-aaral pa siya, " ani Dori. "Pero nagpapanggap lang kayo ni Sir Lanz. Sayang,"

