CHAPTER 22 --- "Sir, gusto kong pagtrabahuan ang pera. Asawa mo lang ako sa papel, 'di ba?" Bumuntong hininga siya at sumandal sa sofa. "Still. You can ask me if you need something. Bayad na lang sa extra service mo." Tumaas ang kilay ko. "Anong extra service pinagsasabi mo?" Tumitig siya sa akin at natawa. "What are you thinking? 'Yong pagluluto, paghahanda ng damit at pagtulong sa'kin mag bihis ang tinutukoy ko, Heaven." Napalunok ako at nag-iwas ng tingin. "'Yon nga ho. Wala naman akong sinasabing iba." "Pero may iniisip kang iba," pang-aasar niya. Tumayo na lang ako at hindi siya pinansin. "What are you thinking, Jazel Heaven?" Lumapit ako kay Zeven at pumunta sa kabilang side ng kwarto kung saan ang glass wall. "You know, you can share it," aniya na sumunod pala sa akin.

