CHAPTER 21 -- "Naiintindihan mo ba, Dori?" Natulala siya sandali pero agad rin siyang tumango. Katatapos ko lang ipaliwanag sa kanya ang sitwasyon namin ni Lanzeus kung bakit kailangan naming mag panggap. Wala naman na kasing point na itanggi namin kay Dori dahil huli na ang lahat at narinig na niya. Isa pa ay malaki naman ang tiwala ko sa kanya. "H-hindi niyo po talaga mahal ang isa't-isa? Lahat lang po iyon pagpapanggap?" nauutal niyang tanong. "Do you me to repeat it again?" masungit na sabi ni Lanzeus na ikinanguso naman ni Dori. Natakot ata dahil bigla niyang siniksik ang katawan niya sa akin kaya nilakihan ko ng mga mata si Lanzeus. Pwede naman kasing kausapin niya ng maayos hindi 'yong nananakot siya. "Ate, sorry nalaman ko. Hindi ko naman po sinasadyang marinig ang usapan niy

