"Jacob! Amanda!" Agad akong lumapit sa mga kasama ko sa trabaho na nakatulala sa mga bomberong pinapatay ang apoy na galing sa shop. Nanlumo ako nang makita ang sitwasyon ng pinagtatrabahuan ko. Kanina lang ay nasa loob pa kami at nagtatawanan pero ngayon ay kinakain na ito ng apoy. Sinuri ko ang mga mukha nila at doon ko napansin na may sugat si Jacob sa pisngi na mukhang galing sa nabasag na bubog. Napunit din ang kaliwang sleeve ng suot niyang t-shirt na mukhang nasunog dahil may sugat siya doon mula sa paso. Si Amanda naman ay naluluha ang mga mata. May sugat siya sa tuhod at braso. "Nasaan si Miss Melany?" tanong ko pero walang sumagot ni isa sa kanila. "Sinugod na ho sa hospital ang kasama nilang babae, Ma'am. Nauntog ho kasi ang ulo nito nang sumabog ang bomba," sagot ng pulis

