"Jazel, hija!" Napangiti ako nang marinig ang boses ni Manang Tanya pagkababa ko pa lang ng kotse ni Lanzeus. Alas sais pa lang at umalis na kami ng maaga sa mansyon dahil gustong dalawin ni Lanzeus si Manang at para dito na rin daw kami mag agahan. Hindi naman ako nagreklamo kasi ilang araw ko na ring sinasabi sa kanya na gusto kong dalawin si Manang. "Kamusta ka dito, Manang?" tanong ko matapos kong kumawala sa yakap niya. "Ayos lang ako," nakangiti niyang sagot at si Lanzeus naman ang niyakap. "E, kayong dalawa? Nag-aaway pa rin ba kayo?" Hindi ako sumagot at nauna nang pumasok sa gate. Ilang araw na ulit ang lumipas. Gano'n pa rin naman ang takbo ng buhay ko. Pupunta sa Blink at uuwi sa mansyon kasama si Lanzeus. 'Yon nga lang ay gumigising ako ng maaga para ipagluto siya at gano'

