"Do you like this?" Napakamot ako sa kilay ko nang itapat sa akin ni Abby ang kulay pulang dress na may slit. Nasa mall kami ngayon at halos lahat ng boutique na nadadaanan namin ay pinapasukan niya. Wala naman akong magawa kun'di sumunod. "Oh, no. Ang pangit ng dark blue," aniya at binalik ang hawak niyang dress. Naglakad na naman siya at lumipat sa kabilang lane kung saan puro kulay pula ang nakikita ko. "Look at this," pinakita niya ang hanger na hawak niya na may nakasabit na pulang damit. "Gosh, gosh. The color red suits you a lot, Jazel. Ang hot mo tignan," dagdag niya kahit hindi pa ako nakakasagot. Pagkatapos naming kainin ang banana cake kanina ay niyaya niya agad ako sa Mall. Sinubukan kong humindi kasi tinatamad ako at nakakapagod makipag sabayan sa mayayaman lalo na sa sh

