Nang makapasok ako sa kwarto ay agad kong dinayal ang numero ni Lanzeus. Unang tawag ay hindi niya sinagot pero hindi ako nagpatinag at tinawagan siya ulit. Nag ring pa muna ng apat na beses bago niya sinagot. "Ano 'yon?" agad kong tanong habang nakapamewang. Nakaharap ako sa magandang tanawin ng city lights na makikita dahil sa glass wall at dahil hindi pa nakababa ang kurtina. Nakikita ko rin ang replekayon ko sa glass na nakapamewang. "You want a seminar on how to answer a call properly, Heaven?" aniya sa kabilang linya. Umirap ako kahit hindi naman niya nakikita. "Nakakahiya naman sa'yong hindi marunong mag paalam." "Mag paalam na ano?" tumawa siya ng nakakaasar na lalong ikinasama ng mukha ko. "Why calling me? Kakalabas ko lang ng mansyon, ah. Miss me already?" Napangiwi ako. "Si

