"Next." Bumagsak ang balikat ko nang sabihin na naman iyon ni Lanzeus. Pumasok ako ulit sa fitting room at nagpalit na naman ng bagong dress. Kaylan pa ba kami matatapos dito? Kanina pa ako pabalik-balik at sa totoo lang nahihilo na ako! Hindi porke nakatulog ako kanina ayos na ako, gusto ko pang humilata at matulog pero dahil nandito ang boss ko wala akong magawa kundi sumunod sa gusto niya. Hinawi ko ang makapal na kurtina at pinakita kay Lanzeus ang kulay beige na dress. Tinignan niya ako mula ulo hanggang paa at tumango siya, ibig sabihin pasado. Walang kangiti-ngiti ang mukha ko dahil nga sa pagod. Hindi ko na alam kung pang ilang damit na nasuot ko na 'to. Para kaming nasa isang asianovela kung saan binibilhan ng bidang lalaki ang bidang babae ng kung ano. Argh, hindi bagay. "Nex-

