"Sino sila?" tanong ko kay Dori nang may makasalubong kaming mga lalaki na lumabas sa elevator. Nakapagbihis na ako at bababa na kami para mag dinner kasi nakauwi na ang Daddy ni Lanzeus. "Ewan ko rin, Ate. Gabi na pero parang may aayosin ata sila," sagot niya at hinawakan ang braso ko. Tatlong lalaki ang nakasalubong namin kanina na may mga dalang box. Mukhang tama nga si Dori na my aayosin sila. Pero gabi na, e. Ganito ba talaga kapag mayayaman? Anytime pwedeng magpagawa ng kung ano mang nasira? Hinatid ako ni Dori sa first floor kung saan nakasalubong naman namin si Lanzeus na mukhang papaakyat. Umalis naman agad ang katabi ko nang makita ang amo niya. "Ang tagal mo," ani Lanzeus at hinawakan ang kamay ko. Pagpapanggap mode na naman kami ng reklamador kong boss at pakiramdam kailan

