"Kamusta ang lakad ninyo?" bungad na tanong ni Manang Tanya nang makapasok ako sa gate ng apartment. Hinatid lang ako ni Lanzeus sa labas at umalis na rin siya agad dahil may pupuntahan pa raw. Mag aalas dyes na ng gabi, saan naman kaya siya pupunta? "Pumunta ho kami sa bahay nila," mahina kong sagot dala ng pagod. "Saang bahay?" tanong ulit ni Manang. "'Yong bahay ho nila," sagot ko naman ulit. "Hija, marami silang bahay." Natigilan ako sandali. Oo nga naman. Ano pa bang aasahan ko? "'Yong mansyon ho. Hindi ko alam kung anong eksaktong lokasyon, Manang." Sandali siyang nag-isip at tumango. "Oh, nakilala mo ba ang Daddy niya?" Tumango lang ako. Tinatamad akong magsalita. "Hindi ka naman ba sinungitan?" Umiling ako. "Hindi naman ho, Manang. Medyo nakakatakot lang siya tumingin.

