CHAPTER 06

2934 Words
Hindi ko alam kung joke time niya lang 'yon pero nakaramdam ako ng kakaiba. Parang lumukso sandali 'yong puso ko. Palagi akong nasasabihan na maganda pero hindi ako sanay kasi galing sa kanya. Galing kay Lanzeus Empreso na hindi ko naman inaasahang sasabihan ako ng ganoong mga salita. "Saan ba tayo pupunta?" tanong ko nang pumasok kami sa mamahalin niyang kotse. Pakiramdam ko tinutorture niya ako gamit ang mga mamahaling gamit tapos kapag nakasira ako ng kaunti ay pababayaran niya sa'kin. Hindi tuloy ako mapakali kaya mas pinili ko na lang na huwag gumalaw habang umaandar ang sasakyan. Habang paalis kami sa street kung nasaan ang apartment ay napapansin ko ang mga tingin ng mga tao sa sasakyan na sinasakyan namin. Tinted ang salamin kaya hindi nila ako nakikita. Masyadong chismosa ang mga kapitbahay ni Manang Tanya. Tanda ko pa noong unang linggo ko dito parang ako lagi ang pinag-uusapan. "How's the dress?" tanong ni Lanzeus, pag-ibaba naman niya ng tanong. "Ayos lang ho. Para saan ba't pinagbihis mo 'ko ng ganito?" balik ko sa unang tanong ko na hindi na naman niya sinagot. Kinakabahan ako. Baka bigla niya akong ipatapon sa kung saan. Pero ang galing naman ni Lanzeus Empreso kung ipapatapon niya ang isang tulad ko. Ipapatapon na naka-chanel. "Bakit mo alam ang sizes ko?" tanong ko na lang. "Alam ko lang," maikling sagot niya habang nasa daan nakatutok ang mga mata. Palihim akong umirap at hindi na lang sumagot. Wala akong makukuhang matinong sagot sa kanya kaya mas mabuti pa kung mananahimik na lang ako. Walang may nagsalita sa aming dalawa sa sumunod na mga minuto. Nakatingin lang ako sa labas, inaalala kung saan kami dumadaan kasi hindi ko pa napuntahan ang daan na ito noon. Napapansin ko namang panay tingin siya sa relong pambisig niya na parang mahuhuli sa pupuntahan pero hindi naman niya binibilisan ang pagmamaneho. Maingat siya sa pagpapatakbo ng sasakyan. Titignan ko rin sana ang oras sa de-keypad kong cellphone pero naalala ko na hindi ko pala dala iyon. Sinadya kong iwan kasi parang hindi siya bagay na ilagay sa loob ng bag na sobrang mahal. Tuloy umalis ako ng apartment na panyo at ang korean lipstick lang ang laman ng bag. Napansin kong hindi na kami sa highway dumadaan kaya tinanong ko ulit ang boss ko kung saan ba kami pupunta pero hindi na naman siya sumagot. Nanahimik na lang ako pero ang totoo ay nakakaramdam ako ng hindi magandang pangyayari kasi parang nasusuka ako. Hindi nagtagal, sa hindi kalayuan ay may nakita akong malaking kulay puting gate. Namangha ako kasi sa mga movies ko lang 'yon nakikita, hindi ko akalaing makakakita rin ako no'n sa personal. Akala ko ay dadaan lang kami doon pero nagulat ako nang bumukas ang malaking gate kahit wala namang taong nagbukas at pumasok ang sasakyan ni Lanzeus. Gusto kong lumingon sa kanya na may halong pagkamangha pero pinigilan ko ang sarili ko. Pinanindigan ko ang sabi kong hindi ako gagalaw. Pagkapasok namin ng malaking gate ay agad kong nakita ang paligid na puno ng pine trees at dahil madilim na ay nakabukas ang mga ilaw no'n. Nagbigay ganda rin ang ilaw sa mga iba't ibang uri ng bulaklak na pumapagitna sa daan kasi two ways iyon. Baka papunta ang isa at pabalik naman ang isa. Sandali kong inakala na nasa kagubatan kami pero nagkamali ako nang maaninag ko sa dulo ang napakalaking bahay na kumikinang sa dulo ng dinadaanan namin. Parang malaking ginto sa gitna ng kagubatan. Umikot ang sasakyan ni Lanzeus sa isang fountain na kulay asul na tubig ang nilalabas bago huminto. Nang huminto ay doon ko lang napansin na may falls ang harap ng mansyon at gawa sa glass ang pinupuntahan ng tubig galing sa falls sa iyon. Napatakit ako sa bibig ng wala sa oras dahil sa mga nakikita ko. Anong lugar ito? "Anong ginagawa natin dito?" hindi mapakaling tanong ko sa boss ko na tinatanggal ang seatbelt niya kaya gano'n din ang ginawa ko. "Mag-didinner," aniya. "Ho? Dinner? Restaurant ba 'to?" nakataas kilay kong tanong. Baka kasi natuluyan na siya sa pagkakaroon ng amnesia at nakalimutang malapalasyo ang napuntahan namin at hindi restaurant. Baka bigla na lang may bumaril sa mga ulo namin mamaya dahil sa pag-trespass. "We're going to have dinner with my Dad, Heaven. That's what I am talking about." Sandali akong natulala at ilang segundo muna ang lumipas bago ko na-process ang sinabi niya. Napasandal ako sa upuan dahil sa gulat. Hindi ako sumigaw dahil nakakahiya iyon kahit gustong-gusto ko na. "Bakit ngayon mo lang sinabi?" kalmadong tanong ko kahit ang totoo ay nasusuka na ako sa sobrang kaba. "Baka hindi ka pupunta kapag sinabi ko doon pa lang sa apartment. Right?" Humugot ako ng malalim na hininga at hindi na lang sumagot. May point din naman siya. Sabi ko na nga ba't may mangyayaring hindi maganda at ito na nga 'yon. Kaya naman pala pinagbihis niya ako ng ganito kaganda kasi makikipagkita kami sa tatay niya. Teka, e 'di ibig sabihin bahay niya rin 'to? "Wah." 'Yon ba lang ang lumabas sa bibig ko dahil sa pagkamangha. Hindi ko alam na ganito kayaman ang isang Lanzeus Empreso na sinasagot-sagot ko lang. Kaya pala parang wala lang sa kanya na bayaran ang hospital bills ni tatay kasi entrada pa lang ng mansyon nila milyon-milyon na. "You know what to do?" tanong niya sa'kin nang buksan ang pinto ng sasakyan. Maingat akong lumabas habang mahigpit ang hawak sa chanel bag. Maglalakad na sana kami nang bigla akong may naalala. "Hindi ba hindi naman mayaman ang role ko rito? Bakit puro chanel ang pinasuot mo sa'kin?" Tanda ko kasi na sinabi niya noong nag-uusap pa lang kami sa Blink Shop na mas pipiliin niya ang mahirap na mapapangasawa. Pero sa suot kong 'to pinagmukha niya akong mayaman. "So? What's with that?" "E 'di... itatanong nila kung saan ko nakuha 'to o paano ko nabili." "E 'di sabihin mong galing sa'kin." "Ayos lang sa'yo na isipin nilang pera ang habol ko sa'yo? Na parang ginagawa kitang sugar daddy?" tanong ko. Biglang kumunot ang noo niya. "Sugar Daddy? What the f*ck?" Nagkibit balikat ako at hinintay ang iba pa niyang sasabihin. "How old are you again, Heaven?" "Twenty-one," sagot ko. "I'm just twenty-six. Tss." Ang laki pa rin naman ng gap. Pwede ko na siya maging Kuya. "Walang pakialam si Daddy kung gumagastos ako ng malaki sa babae. Don't worry about your family, they wil not find them," aniya habang naglalakad kami papunta sa malaking pinto ng mansyon. "Paano ka nakakasigurado na hindi mahahanap ng Daddy mo 'yon?" Alam ko kasing kapag ganito kayaman ang isang tao, malamang maraming koneksyon iyon. "I already blocked them." "May gano'n?" "May gano'n." Tumango na lang ako at tinapunan ng huling tingin ang falls sa harap ng bahay na kumikinang ang tubig. Nang bumukas ang malaking pinto ay bumungad sa amin ang kulay gintong hagdan na sobrang laki rin at sa itaas naman ay ang kumikinang na chandelier. "Daddy mo lang ba nakatira dito?" tanong ko habang iniikot ang paningin sa paligid habang naglalakad. Pati ang sahig ay hindi rin nagpatalo sa pagiging elegante dahil gawa iyon sa marble. Parang wala ako sa Pilipinas dahil sa mga nakikita kong malalaking paintings sa pader at sigurado akong sikat na painter ang gumawa ng mga iyon. "Si Daddy lang. Kung may ibang tao kang makikita, 'wag mo na lang pansinin," aniya at lumiko ng daan habang ako naman ay sunod lang ng sunod. "Bakit?" tanong ko. "Multo ba sila?" Huminto kami sa isang mahabang pinto na gawa sa glass at may pinindot siya. Akala ko lang pala na pinto iyon kasi nang pumasok kami ay bigla iyong gumalaw pataas. Elevator pala na gawa sa glass kaya habang umaakyat kami sa taas, nakikita ko ang magagandang disenyo ng dinaanan namin kanina. Pag labas ng elevator ay naglakad na naman kami. Sa sobrang laki ng bahay nila parang gusto kong tanongin si Lanzeus kung naligaw na ba siya habang nililibot ang mansyon nila. Magrereklamo na sana ako kasi sumasakit na ang paa ko kakalakad pero napatahimik na lang ako nang hawakan ni Lanzeus ang kamay ko bago bumukas ang double door na nasa harap namin at bumungad ang lamesang puno ng pagkain. Sa itaas ng lamesa ay mayroong floating chandelier na inspired sa droplets ng tubig. Marami pang magagandang bagay na nahagilap ang mata ko pero hindi roon natuon ang pansin ko kun'di sa lalaking nakaupo sa dulo ng mesa. Nakatingin siya sa'kin na parang inaalam kung anong klaseng tao ako. Sa gilid niya ay may isang babae na kasing edad ng lalaki. Nakataas ang kilay nito habang nakatingin din sa akin. Sa tabi ng babae ay may isang babae ulit. Hindi ko alam kung paano ko siya idedescribe dahil parang hindi sapat ang salitang 'maganda' para sa kanya. Mag kasing edad lang naman ata kami pero sobrang ganda niya. Tumayo ako ng tuwid kahit parang matutumba na ako dahil sa nanlalambot kong tuhod. Naramdaman kong pinisil ni Lanzeus ang nanlalamig kong kamay na parang sinasabi na kumalma ako kung hindi mahahalata kami. "Good evening, Dad," bati ni Lanzeus sa ama niya at sabay kaming lumapit sa gawi nito. Tumayo ang lalaking tinawag niyang 'Dad'. Wala nga namang duda na ama niya 'to kasi magkamukhang-magkamukha silang dalawa. Mas bata nga lang si Lanzeus at medyo mas matangkad. "Good evening po," bati ko rin at nahihiyang ngumiti. Hindi ko alam ang gagawin! Magmamano ba ako? Hahalik sa pisnge? Makikipag-apir? "Who's this woman, Lanzeus?" matigas na tanong ng babae na kanina pa nakataas ang kilay. Ang sama ng tingin niya sa akin pero hindi ako naaapektohan. Hindi pa ba ako masasanay kung ganoong tingin ang binibigay sa akin ng lahat ng tao noon sa probinsya? Hindi sinagot ni Lanzeus ang babae. Ni hindi man lang din niya ito nilingon. "Dad, this is Jazel Heaven Villamor. MY wife." Napalunot ako nang diinin niya ang salitang 'my'. Humigpit din ang hawak niya sa kamay ko kaya napatingin ako sa kanya. Ang seryoso ng mukha niya. "Your what?!" Nagulat ako nang biglang sumigaw ang babae. Nanlalaki ang mga mata niya. Bumaba naman ang tingin ko sa katabi niyang magandang babae na sigurado akong anak niya. Tahimik lang ito habang nakatingin kay Lanzeus pero kita sa mukha niya ang pagkagulat. Bumalik ang tingin ko sa ama ni Lanz nang gumalaw ang upuan, senyales ng pagtayo nito mula sa pagkakaupo. "Nice to meet you, Jazel. I'm Leo Empreso, Lanz's father." Agad kong inabot ang kamay niya nang iangat niya ito. Nakipag-beso rin ako kasi gano'n naman kasagaran ang ginagawa ng mga mayayamang tao. "Nagagalak ho akong makilala kayo. Ang dami pong naikwento si Si---- Lanzeus sa'kin tungkol sa inyo." Napakagat labi ako nang muntikan ko nang matawag na 'Sir' si Lanzeus. "What are you talking about?" bulong ni Lanz at sinamaan ako ng tingin. "Wala akong kwento." Nilakihan ko siya ng mata na may kasamang matamis na ngiti. "Mayroon." Hindi ba siya marunong umarte? Bakit hindi na lang siya sumabay sa'kin. Pinaghila na lang niya ako ng upuan kaharap ang babaeng maganda na kanina pa hindi umiimik hindi tulad ng nanay niya na panay salita. "Leo, did you just believe your son? What if they're just acting up for the---" "My son and I will talk about that later, Lora. Let's eat." Parang batas ang bawat salita ng lalaki dahil biglang tumahimik ang babae pero sinamaan niya muna ako ng tingin bago kami magsimulang kumain. Napatingin ako sa mga putahing malapit sa akin at napakagat labi. Alam kong karne ng baboy ang mga iyon pero kumuha pa rin ako. Tumingin ako sa mga kasama ko na tahimik na kumakain. Sandali pa akong namangha sa babaeng kaharap ko kasi ang ganda talaga niya kahit ngumunguya. Kakain na rin sana ako pero nagulat ako nang biglang kinuha ni Lanzeus ang plato ko at pinalitan ng bago pero may laman pa rin. "That's chicken," aniya at siya na ang kumain ng laman ng plato ko. Paano niya nalamang hindi ako kumakain ng pork? Tss. Ang dami niyang alam sa'kin. Napansin kong nakatitig sa akin ang babaeng kaharap ko kaya tumingin din ako sa kanya at nginitian siya. Baka kinilig sa ginawa ng kapatid niya sa akin. Habang kumakain ay naalala ko ang sinabi ni Lanzeus kanina na Daddy niya lang daw ang nandito at huwag ko raw pansinin ang ibang taong makikita ko. Itong dalawang babae ba ang tinutukoy niya? Pero bakit? "Pwede ko bang itanong kung saan kayo nagkakilala?" Basag ng asawa ni Sir Leo sa katahimikan. Nagdadalawang isip pa ako kung tatawagin ko ba siyang ina ni Lanz sa utak ko pero may pumipigil sa akin. Sandali akong natigilan sa tanong niya dahil hindi ko alam ang isasagot. Nag isip lang ako ng magandang lugar na gusto kong puntahan at 'yon ang sinagot ko. "Sa Tagaytay po." "So you're from Tagaytay?" tanong niya ulit. Umiling ako. "Doon lang po nagtatrabaho." "Anong trabaho?" "Waitress ho." Nanatili akong kalmado nang ngumiwi siya at tumingin sa akin na para akong isang dumi. Doon pa lang ay masasabi kong ayaw ko sa pag-uugali niya. "Oh my gosh, Leo. Your son just married a waitress! Oh my gosh! This is so unbelievable!" "Mom." Sa unang pagkakataon ay nagsalita ang anak niya. "Stop it." "Why would I, Abby?" tanong niya at tinignan ang suot ko. "She's wearing luxury things she can't afford. She don't deserve those things! Even stepping her foot inside our---" "Shut up, this is not yours," biglang singit ni Lanzeus at bahagya kong ikinagulat ang paraan ng pagsagot niya. "That woman--" "Don't talk down to my wife just because she's a waitress. Don't forget that you're once a prostitute." "Lanzeus!" agad na saway ni Mr. Leo sa anak. "Show some respect." Tumingin si Lanzeus sa ama niya at sumagot ng, "no respect for her." Lalong nagalit ang babae si Lora. "Don't call me that again, Lanzeus. I am not like that anymore!" "Sinabi ko bang hanggang ngayon gano'n ka pa rin? If you want to be respected by me, respect my wife. Don't act clean because you're the worst," malamig na sabi ni Lanzeus. "Don't question Heaven about our marriage. If you want a legal prof I will slap it to your face---" "Lanz," biglang tawag ng magandang babae na si Abby sa kanya kaya napatingin siya rito. "Please stop," dagdag ni Abby. Medyo nagulat ako nang hindi na umimik si Lanz at pinili na lang na hindi ipagpatuloy ang sasabihin niya. Hindi siya sumunod sa saway ng ama niya pero sa saway ng kapatid sumunod agad. "Don't talk to your mom that way again, Lanzeus. Respect her like how your sister Abby respects me," ani Mr. Leo nang matapos kami sa pag kain. Gutom akong dumating pero agad akong nawalan ng gana dahil nararamdaman ko ang tensyon na umiikot sa paligid. Hindi ko alam kung anong pamilya ba mayroon si Lanzeus pero nakasisigurado akong hindi ito maayos. "She's not my mom and Abby is not my sister. Don't mention that again," sagot ni Lanzeus at hinawakan ang kamay ko bago hinila palabas ng dining room na iyon. Hindi ako nagsalita habang nasa elevator kami hanggang sa nakababa. Nararamdaman ko kasing hindi maganda ang mood niya at hindi rin naman niya ako kinakausap. "Stay here. Mag-uusap lang kami ni Dad," aniya nang huminto kami sa loob ng malaking sala. "Ha? Paghihintayin mo ako sa malaking sala na 'to?" tanong ko. "Kasasabi ko lang 'di ba?" "Ayaw ko lang. Baka magtagal ka roon at maghihintay ako ng sobrang tagal dito kasi makikipag-away ka pa sa ina at kapatid mo--" "She's not my mother and that-" Tinuro niya ang pinto na parang tinuturo si Abby. "that girl is not my sister." Nagkibit balikat na lang ako at hinayaan siyang umalis. Habang wala siya ay nilibot ko na lang ang buong sala. May malaking tv na nakadikit sa pader. Nakabukas iyon at nagpapalabas ng mga magagandang tourist spot sa ibang bansa. Mula rin dito sa sala ay makikita ang malawak na harden sa ibaba at ang sa dulo no'n ay isang maze. Parang hindi gabi sa mansyon na 'to dahil may mga ilaw na nagbibigay liwanag sa labas. Sigurado akong hindi lang iisa ang sala ng mansyon na ito pero dito pa lang ay manghang-mangha na ako. Uupo na sana ako kasi bigla akong nahilo sa paglalakad at sumasakit na rin ang paa ko pero bigla akong natigilan nang makita ang dalawang frame sa gilid ng sala. Lumapit ako at pinagkumpara ang dalawa. Sa unang larawan ay may tatlong tao. Si Sir Leo na nakatayo, isang magandang babae na nakaupo at isang lalaking nasa kinse ang edad nakatayo rin katabi si Sir Leo. Pareho silang nasa likod ng babaeng nakaupo at nakahawak sa balikat nito. Si Lanzeus ang batang lalaki na iyon kung hindi ako nagkakamali. Sa pangalawang larawan ay nandoon ulit si Sir Leo na siya namang nakaupo na. Si Ma'am Lora at Abby na magkatabi sa kaliwang side at si Lanzeus na nasa kanan. Kung ikokompara ko ang dalawang larawan, masisigurado kong masaya si Lanzeus sa nauna dahil abot tainga ang ngiti niya habang napakaseryoso naman ng mukha niya sa pangalawa. Doon ko napagtanto kung anong meron sa mga taong nakasama kong kumain ilang minuto na ang lumipas. Wala na ang ina ni Lanzeus sa bahay na ito at ang pumalit ay si Ma'am Lora. Ang hindi ko lang alam ay kung magkapatid bang tunay si Lanz at Abby kasi baka anak ni Sir Leo si Abby kay Ma'am Lora. Napabuntong hininga ako. Bakit ko ba pinoproblema kung anong mga bagay ang meron sa pamilyang 'to?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD